Chapter 18: Jealous

2285 Words
DAPAT matutulog si Sarah pero hindi siya madalaw nito. Kaya naman tinawagan niya si Manang para magpahatid sa dalampasigan para magpahangin. Samu’t-sari ang pumapasok sa isipan niya. Medyo nahihirapan na siya sa kalagayan niya. Kung kailan may Dennis nang may nakaalalay sa kanya, saka naman siya walang paningin. Saka naman siya walang magawa. Ang dami rin niyang gustong makita at gawin pero wala siyang magawa kung hindi ang hintayin ang pagbabalik ng paningin niya. Pero kailan naman? Naiinip na siya. Gusto niyang bumalik sa Manila para alamin ang lahat. Isa lang ang pinangako niya sa sarili. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang may gawa nito sa kanya. Ano ba kasi ang kasalanan niya sa asawa? Sino ba kasi ang mga kasabwat nito? Miss na miss na rin niya ang ama kaya ganoon na lang ang lungkot na nararamdaman niya habang nakikinig sa doktor niya kanina. Walang makita ang mga ito kaya talagang ang itinuturo sa dahilan ay ang trauma, stress at dumagdag ang concussion. Possible kasi iyon. Sa totoo lang, isa na si Dennis sa gusto niyang makita. Gusto niyang pumasok sa relasyon basta ito ang lalaki, pero natatakot siya. Kahit pa sabihing may testimony si Manang na mabuti itong tao gusto pa rin niyang makilala nang lubos. Singhap ang nakapabalik sa kanya nang bigla na lang siyang umangat. At base sa amoy at kamay nito na nakabisado na niya, si Dennis iyon. “H-hey. Akala ko may ginagawa ka?” “Yeah. Pero mas kailangan mo nang tulong kaya umakyat ako.” “T-thank you then,” “You’re always welcome, my sweet pea.” Kasunod niyon ang paghalik nito sa noo niya. Naglalakad na ito noon nang magsalita siya. “D-Dennis.” “Hmm?” “Are you really serious about us?” “Mukha bang hindi?” “M-mukhang oo naman.” “Then believe me.” “N-natatakot talaga ako.” “You don’t have to, Sarah. Hindi kita sasaktan. Never.” Napangiti siya sa narinig. “O-okay.” “Anong okay?” “O-okay, kasi hindi mo ako sasaktan.” “So, tayo na?” “No! Not yet!” “Ouch, bilis sumagot, a.” “Eh, ang bilis mo rin kasi!” “Sa edad kong ito mabilis pa? Ang kupad ko nga raw dahil never pa akong nagka-girlfriend.” “Seriously? That’s impossible!” hindi makapaniwalang sambit niya. “I-ilang taon ka na nga ulit?” “Actually, 31 na talaga ako.” “What? Ang tanda mo na pala, pero wala ka pang napa-oo? Why?” “Wow. Matanda na ba ang 31, huh?” “Yes! Kasi mga kaibigan kong lalaki nakarami na nga, e. Tapos ikaw, wala pa? What is wrong with you? Bakit ayaw nila sa ‘yo?” “Dahik hindi ko pa nahahanap ang gusto ko.” “So, virgin ka nang may nangyari sa atin?” “No. I thought nabanggit ko na sa ‘yo na hanggang kama lang kami ng mga babaeng dumaan sa akin. No string attached.” Mga babae. Ibig sabihin marami? “B-bakit sa akin gusto mong magseryoso? Ni hindi mo pa nga ako kilala nang lubos.” “Parang hindi naman na kailangang kilalanin, Sarah. Kasi alam ko sa sarili ko.” Iniupo siya nito sa bench na inuupuan niya lagi. “Gusto na kita. I told you, ikaw lang ang babaeng nagpatibok ng puso ko nang ganito kabilis.” Sabay kuha nito ng kamay niya at ipinatong sa dibdib nito. “Pagod ka sa pagpangko sa akin kaya mabilis ‘yan,” “Tsk. Sige, after 10 minutes. Kapag mabilis pa rin ang t***k ng puso ko, official na nang tayo,” hamon nito na ikinalunok niya. “Sabi mo tayo na?” aniya. “Yeah. Pero iba pa rin ‘yong galing sa ‘yo. Ano ba kasi ang kailangan kong gawin para maniwala ka?” “Don’t leave me,” mabilis niyang sabi. “Stay with me hanggang sa makakita ako,” Naramdaman niya ang paghawak nito sa pisngi niya. “I won’t leave you. Promise.” Masuyong halik ang iginawad nito sa kanya. “I’ll stay with you no matter what,” dugtong pa nito. “Thank you, Dennis.” Nagpaalam ito sa kanya mayamaya. Naiwan si Manang na nasa malapit lang. “Ano bang pinagkakaabalahan ni Dennis, Manang?” Dinig niya ang mahihinang tawa ng matanda. “Mukhang surpresang hinahanda para sa ‘yo,” Napangiti siya. Gustuhin man niyang itanong kung ano pero hindi na matatawag na surpresa iyon, kaya hindi na siya nagtanong kung anong ginagawa nito mismo. Ramdam niya ang maalinsangang panahon. Kakaplubog lang siguro ng araw or papalubog pa lang. May malamig naman pero nanggagaling iyon sa likod bahay siguro. Doon kasi ang malamig dahil sa pagkakaalam niya kakahuyan ang nasa likod. Nang magsawa kakaupo ay nagpaalalay siya sa matanda. Pumunta sila sa mababaw na parte lang at sinuyod hanggang dulo. Gusto niya ang tunog ng alon at ang paghampas ng alon sa kanyang mga paa. “Kung nakakakita lang po ako, kanina pa ako naligo,” “Pwede ka naman maligo, hija.” “Pero hindi ako makakalangoy dahil baka malunod ako. Paano kung sa malalim po pala ako napunta.” “Walang problema. Nandyan naman si Dennis. Siguradong babantayan ka niya.” “Oo nga, ano? Sige ho, yayain ko na lang mamaya.” Sakto lang pagbalik namin, tapos na raw si Dennis sa ginagawa. Kakain na raw sila. Gaya kanina, pangko siya ni Dennis. Pero hindi niya maiwasang magtaka dahil malapit lang ang hinakbang nito. “S-saan tayo kakain?” “Dito lang sa labas.” Naramdaman niya ang paglapit nito ng sarili. “Ipinagluto kita ng dinner.” “Really?” “Yes.” Iniupo siya nito kapagkuwan. “Sandali lang sweet pea,” paalam nito mayamaya. Mahigit limang minuto yata itong nawala. Pero pagbalik niya ay may umandar na malamyos na awitin ni David Slater— ang Exchange of hearts. Naglabas pala ito ng speaker. “This song feels perfect for a dance. Care to join me?” Napalabi siya bago sumagot ng, “sure.” Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. Iginiya siya nito patayo at pinahakbang lang ng kaunti. Mayamaya lang ay hinapit nito ang beywang niya. “Hindi ko alam na may ka-sweetan ka pala.” Nagsimula na silang sumabay noon sa sinalang nito. “Dagdag pogi points ba?” Sinundan nito nang mahinang tawa. “Well,” sabi niya lang. “I guess, ten points ang nadagdag?” “Wala akong sinabi, Dennis. Sabi ko lang ang sweet mo. Hay, naku.” Kahit na sinasabayan nila ang awitin, alam ni Sarah na tumatawa. Nang maalala ang sinabi kanina ni Manang ay sinabi niya kay Dennis. “P-pwede ba akong maligo sa dagat?” “Gusto mo ba?” “Hmm. Kaso kailangan ko nang tulong mo. I can't see, so you'll be my eyes.” “Sure.” Dahil sa sinabi niya ay nagyaya na itong kumain. Para makaligo na rin daw sila. Pinagsilbihan siya nito hanggang sa matapos silang kumain. Sayang at hindi niya ma-appreciate ang ginawa nitong setting nang kumain sila. Pero natanong niya kung ito ba ang nag-ayos, oo raw. Kaya sabi niya, kuhaan nito ng picture. Dahil gusto niyang makita ang unang dinner sa labas na kasama ito. Pero hindi lang pala picture ang meron ito, recorded pala iyon para sa kanya. At naisip na pala iyon ni Dennis. “Thank you so much.” “May bayad ‘yan, Sweet Pea. Pero siyempre, saka na kita sisingilin.” “What?” natatawang sabi niya. “I’m fvcking serious, Sarah.” Natigilan si Sarah nang sabihin nito iyon. “W-what did you say? P-pwedeng pakiulit?” “Ang alin?” naguguluhang tanong ni Dennis. “S-sabi mo, you’re fvcking serious.” “P-pwede bang ulitin mo? Same tone.” Inulit naman ni Dennis. Pero hindi na gaya kanina. Pinilig niya ang ulo niya. Pumasok na naman sa isipan niya ang asawa. Actually, isa lamang iyan sa sinabi ng asawa sa kanya sa cellphone bago siya maaksidente noon. At paulit-ulit na nag-e-echo sa isipan niya ang mga nangyari kaya kabisado na niya ang boses nito sa cellphone. Medyo may pagkakaiba kapag sa personal. Minsan na niyang nakausap ito, e. Hindi na pumasok si Sarah sa loob. Hinintay na lang niyang matapos si Dennis sa ginagawa. “Ready?” Ngumiti si Sarah nang marinig ang boses ni Dennis. Tumayo na rin siya at hinintay itong lumapit sa kanya. “Ay!” hiyaw niya nang bigla na lang siyang umangat sa ere. “Wala ka man lang pasabi! Ginulat mo ako,” aniya sa binata. “I’m sorry.” Naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya. Inayos na lang niya ang pagkakakapit sa leeg nito nang maglakad na ito. Singhap ang namutawi sa bibig niya nang maramdaman ang tubig. “Put me down, Dennis.” Binaba naman siya nito. Kaya naman nilaro-laro niya ang tubig na hanggang sa bewang na niya. Akmang ilulubog pa niya ang katawan nang maramdaman ang pagdikit ng likod niya sa matigas na dibdib nito, kasunod niyon ang pagyakap ni Dennis sa kanya mula sa likod. “M-makita tayo nila Manang,” aniya rito. “Nasa loob na sila. Sinabihan ko nang matulog na sila. Kaya tayo lang nandito,” bulong nito sa kanya. “What? Ang aga pa, Dennis!” “God! May edad na silang mag-asawa kaya kailangang maaga silang natutulog. Bad ‘yon sa health nila, Sweet Pea. Tayo, bata pa kaya pwede tayong magbabad dito hangga’t gusto natin.” Hinarap niya ang binata at bahagyang tinulak. “Gusto mo lang akong yakapin, e!” “Hindi ko ide-deny ’yan, Sweet Pea. Talagang gusto kitang kayakap. Kaya hayaan mo ako.” Ang hirap kapag walang paningin, talagang sasamantalahin talaga. Yumakap na naman nga si Dennis. “A-ang kamay mo!” aniya rito. Mukhang bababa, e. Natatawang tinaas nito sa bewang niya. “Let’s swim. Sakay ka na lang sa likod ko tapos akong bahala sa ‘yo.” “Hindi mo ako lulunurin?” “Why should I?” “Nagbibiro lang.” Saglit na hindi umimik si Dennis. “Parang gusto nga talaga kitang lunurin,” anito. “A-ano? Bakit naman?” “Ang ibig kong sabihin, lulunurin sa pagmamahal.” Tinampal niya ito sa dibdib. Nakaramdam siya ng takot kaya sa pabitin nito. Kumapit siya sa leeg ni Dennis nang lumangoy ito. Nasa likuran siya nito. Parang bata lang na nakakapit sa binata. Dahil baka mapagod ito, sinabi niyang gusto niyang lumangoy mag-isa. Pero titingnan pa rin siya nito. Back at side-stroke lang ang ginawa niya. Nakikinig lang siya kay Dennis kung saan pupunta. Kasalukuyan freestyle ang ginagawa niya nang marinig ang sigaw ni Dennis. “Medyo malalim na dyan, Pea! Balik ka na. Deretso lang, huh.” Kaya naman bumalik siya. Pero nakailang stroke pa lang siya nang magmulat ng mata at hindi niya inaasahang makita ang liwanag na nagmumula sa buwan at ang pagdaan ng maliit na isda. Nakaramdam siya nang saya sa nakitang iyon kaya pumikit siya at muli ring nagmulat, pero nakaramdam siya nang lungkot nang kadiliman ulit ang bumalot sa kanya. “D-Dennis,” aniya. “Bakit? May masakit ba sa ’yo? Saan ka tumama? Sa paa ba? O pinulikat ka?” Sapo nito ang pisngi niya. “I-I’m good,” halata pa rin ang lungko sa boses niya. “Eh, bakit ganyan ang tono mo? Ano bang nangyari? Tell me,” “M-may nakita akong liwanag kanina. I know liwanag iyon na nagmumula sa buwan. I even saw a small fish!” Yumuko siya. “K-kaso pagpikit at pagmulat ko, madilim pa rin,” malungkot niyang dugtong. “Really? That’s a good sign, Sarah. Mukhang malapit ka nang makakita!” Niyakap siya nito nang mahigpit. He’s right. Magandang senyales ito. Dati wala siyang nakikitang ganoon. Isa lang ang ibig sabihin, may improvement na nangyayari. Makakakita pa siya! “Thank you, Dennis. Excited na akong makita ka rin.” Bahagyang kinurot ni Dennis ang ilong niya. “‘Wag ka sanang mabibigla kapag nakita mo ako, huh?” “Huh? Bakit? May problema ba sa ‘yo?” “I don’t know kung problema ba ito. Kasi sabi ni Manang magandang lalaki raw ako. Sinasabi ko na agad, Sweet Pea.” Imbes na sumagot, hinampas niya ito sa braso. “Yabang huh!” “Sinasabi ko lang ang comment ni Manang pati nong anak ng caretaker namin dito.” Natigilan si Sarah. “M-may iba pa palang babae rito maliban sa amin ni Manang?” “Yes, si Zelene. I think kaedad mo siya.” “Siya ba ang katulong mo kapag kasama ko si Manang?” “Um, yes. Bakit, Sweet Pea?” “Maganda ba siya? Maputi o morena?” “Maganda rin. Morena. Mas matangkad ka lang ng kaunti.” Muli na namang natigilan si Sarah. “Anong favorite niyang kulay?” “Pink siguro.” Sa narinig, malakas na tinampal niya ito sa braso. “Wow. Alam na alam, huh? Type mo?” “No! Ikaw nga ang gusto ko!” “Eh, bakit alam mo ang paborito niyang kulay? Huh?” “Kasi naman po—” Natigilan si Dennis. “Nagseselos ka ba, Sweet Pea?” “No!” Sabay hakbang palayo rito, as if nakikita ang dinadaanan. “Ay, ano ba, Dennis! Ibaba mo—” Bigla na lang siyang kinarga nito. Pero hiniga din siya nito mayamaya sa buhangin at dinaganan. “‘Wag ka nang magselos. Mas higit pa maganda ka sa kanya. Mas matangkad at mas hot ka rin. Kaya ‘wag ka nang magselos sa kanya. Okay ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD