“BAKIT hanggang ngayon walang balita kay Sarah?!” galit na boses ni Heidi ang pumuno sa bahay na iyon. Halos lahat ng tauhan nito ay hindi makatingin sa kanya.
“Bakit ayaw niyong sumagot?”
“Hindi po kasi basta-basta ang umabush sa isla. Kung hindi po ako nagkakamali, mula po sa Alleanza na mga tauhan iyon.”
“Anong Alleanza, Renee?”
“Private agency na ka-tie up po ng gobyerno,” sagot naman ng tauhan niyang may hawak kay Sarah sa Palawan. Ilan na lang ang natira nang abutan ng kanilang back up.
“Mom. What do you think? Nakatunog ba ang asawa mo?” tanong ni Heidi sa ina na noo’y parang wala sa sarili.
“Kung totoo ang sinasabi nila na Alleanza ang may hawak. Manahimik na lang muna tayo. ‘Wag niyo nang hanapin si Sarah. Para lang kayong naghahanap ng kamatayan.”
“Pero, Mommy!” Nagpapadyak pa si Heidi habang nakatingin sa ina.
“Sige, hanapin mo at ipakita ang mukha mo!” sigaw nito sa anak. “Ang magandang gawin mo, pagbutihin mo ang pagpapanggap!” Sabay tayo nito.
“Mommy naman!”
“Tigilan mo na ito, Heidi. Kahit kailan, palpak ka. Aminin mo na lang. Kaya magpakaanak ka na lang sa ama ni Sarah bago pa siya magpakita.” Halata ang inis sa inang si Rina nang isara nito ang pintuan sa malakas.
“Sana pala pinatay niyo na lang siya kung maiisahan niya kayo!” sigaw ni Heidi. Kasunod niyon ang pagtapon nito sa hawak na kopita. Napaiwas si Renee at Rolly na malapit lang kay Heidi.
Pero ang malaking katanungan talaga kay Heidi, paano ito nakatakas? Hindi kaya alam na ng step-dad niya at ito ang kumuha sa Alleanza?
SAMANTALA, natigilan si Sarah nang bumukas ang pintuan niya. Pinakiramdaman niya kung sino ang pumasok. Pero dahil kilala na niya ang mga yabag ng mga nakakasama ay nakahinga siya nang maluwag.
Akala niya si Dennis na naman. Kasi naman hindi niya alam kung ano ba talaga sila. Baka kasi nagbibiro lang ito kagabi sa sinabi nitong sila. Meron kasi sa dibdib niyang umasa.
“Ready ka na ba, hija? Nasa baba na ang doktor na titingin sa ‘yo.”
“Opo, Manang.”
Kumapit siya rito nang alalayan siya nito palabas.
May mga naririnig siya nag-uusap sa baba. Mukhang family friend nga nila Dennis. Kasi naman may naririnig siyang tawanan. Kung ganoon, mayaman ito?
Sa pagkakaalam niya, halos sa mga nagdo-doctor, may sinabi sa buhay. At siyempre ang circle of friends din nito ay halos sa may sinabi din sa buhay. Hindi man nagsasalita si Dennis, pero iyon ang nararadaman niya. Ang accent din nito sa English ang isa sa gumugulo sa isipan niya. Minsan na niyang narinig ang isang boses sa bintana. May tinawag na Sir ang isang lalaki at boses ni Dennis ang narinig niyang sumagot.
Napapitlag si Sarah nang maramdaman ang kamay na humawak sa bewang niya. Hindi pa sila noon nakakarating sa hagdan. Bigla ring bumitaw si Manang sa kanya. Kaya alam na niya agad kung sino ang may hawak sa bewang niya.
“It’s me,” bulong ni Dennis sa kanya.
“I know.” May iba pa ba?
“Your beautiful today,” bulong ulit nito.
Pakiramdam niya uminit ang buong mukha niya kaya napahawak siya sa pisngi niya at tinampal iyon nang bahagya. Nawala sa isipan niyang wala siyang paningin at may ibang matang nakatingin sa kanya.
“Nag-blush ka,”
Siniko na lang niya si Dennis. “Stop flattering me kasi,” aniya.
Tawa na naman ang narinig niya rito.
“Careful,” anito nang makarating sila sa baytang ng hagdan.
Nakailang baytang pa lang sila nang tumigil ito. Siyempre, dito siya umaasa kaya tumigil din siya.
Napasinghap si Sarah nang maramdaman ang pagpangko nito. Sasawayin niya sana ito, pero mabilis ang mga hakbang nito.
“Kailangan ba talagang buhatin ako?” tanong ni Sarah sa pabulong.
“Hindi naman. But I love holding you in my arms. Kaya hindi mo ako masisisi.”
Hindi nakasagot si Sarah sa sinabi ni Dennis. Sana lang hindi sila akward tingnan sa malayo.
Maayos na lang siyang kumapit kay Dennis at hindi na nagsalita. Ilang sandali lang ay binaba na siya nito. Hindi na rin niya nabawi ang kamay nang pagsiklupin nito ang mga kamay nila.
“Sarah, I want you to meet Dr. Jaime Miranda. Dok, si Sarah, my girlfriend.”
Biglang napahigpit ang hawak ni Dennis sa kamay niya nang akmang babawiin niya.
“It’s a pleasure to meet you, Miss Sarah,” dinig niyang sabi nito.
Akmang magsasalita nang makarinig ng tunog na parang tinampal. Sinundan din iyon ng daing.
“Ouch! Ngayon lang ulit tayo nagkita tapos gaganituhin mo lang ako? Remember? I’m going to be her doctor!”
“I know. Pero kilala kita.”
“A-ano bang nangyari?” singit niyang naguguluhan sa dalawa.
“Ito kasing—”
“Shut up.”
“So, paano ko siya i-check up kung hindi ko siya hahawakan?”
“I told you to bring your assistant!”
“Wala ka talagang tiwala sa akin, Tr— I mean, Dennis?!”
“Ano ba ‘yon kasi, Dennis?” Naguguluhan na siya sa dalawa.
“Nothing, Sweet Pea.” Sabay pisil nito sa kamay niya. “Ganito lang kami magbiruan na dalawa.”
Ano daw? Sweet Pea? Iyon ang tawag nito sa kanya?
Umalis sila nang araw na iyon papunta sa bayan para i-check siya. Makikigamit pla ang mga ito ng aparato sa private ospital roon na kakilala rin daw ni Jaime. Ito lang ang doctor na magbabasa ng mga result.
Nabuhayan ng loob si Sarah nang marinig ang sinabi ni Jaime sa kanya. Walang makita rin itong problema. Baka raw dahil sa trauma. Mukhang tama ito dahil matagal siyang nakulong sa silid na iyon. May bintana at nakakalabas naman, pero kapag inaabot lang siya. Mas madalas na nakakulong siya. Recently, hindi na ganoon siya mag-isip dahil matagal na na-control ang pag-inom niya ng gamot. Saka nang maauntog siya, nasa isipan niya noon na sana hindi na siya makakita rin dahil sa paulit-ulit na nakikita sa paligid. Nang mga sandaling iyon ay parang iba siya mag-isip, kaya baka iyon ang tumatak hanggang sa mag-response ang sarili na hindi na siya makakakita.
“Thank you, Dennis,” aniya rito nang maihatid siya nito sa silid. Nakaupo siya noon sa
“Walang anuman, Sarah. Pero sana makakita ka na nga. Gusto ko na kasing maging official tayo.”
“D-Dennis,”
“Aaminin ko sa ‘yo, ngayon lang ako naging ganito sa isang babae. A-at parang natakot ako bigla,”
“Huh? Bakit naman?”
Medyo matagal itong nakasagot sa kanya.
“Kung paano ka tingnan ni Jaime kanina? Naiinis ako. What if ganoon din ang ibang lalaki kapag tiningnan ka Parang ayoko ring may ibang humahawak sa ‘yo.”
Si Sarah naman ang natigilan. Ito ba ang dahilan kanina kung bakit parang may nagtampal kanina pagkababa niya? Yes, naalala na niya ang sinagot ni Jaime— na paano siya nito ma-check kung hindi siya hahawakan?
“K-kaya ba inaway mo kanina si Doc?”
“Yes.”
“Why? Normal naman iyon dahil doctor siya.”
“I don’t know, Sarah. Please, ‘wag ka nang magtanong dahil kahit ako, ’yan din ang tanong ko sa sarili ko,” parang nahihhirapan nga ito.
“D-Dennis…”
Naramdaman niya ang paglubog ng kanang bahagi niya kaya bumaling siya doon. Wala siyang narinig mula rito, bagkos sapo sa kanyang batok.
“A-anong gagawin mo, Dennis?” nauutal na tanong niya rito.
“I can’t let this day end without stealing a sweet kiss from you, Sweet Pea.” Hindi na nga nakapagsalita si Sarah dahil masuyong halik na ang iginawad ni Dennis. At hindi lang kabig ang ginawa nio sa kanya, kinabig pa nito lalo ang katawan niya para magdikit.
“Oh, Dennis,” wala sa sariling sambit niya nang bumitaw ito saglit.
“Love your shivery moan, Sarah,” anas nito, at muli nitong siniil ulit siya nang halik na agad niyang tinugon. Pumikit pa siya para damhin iyon.
Kahit na wala siyang paningin, nagmulat siya nang marinig ang boses ni Manang Guadalupe sa labas. Tinatawag nito si Dennis.
Napalabi siya matapos na masuyo siyang binitawan ng binata.
Bakit parang nabitin siya?
“You should be thankful to Manang,” bulong ng binata sa kaniya.
Right. Baka kung saan pa sila humantong.
“Why?” tanong pa rin niya rito.
“Kung hindi siya kumatok, baka isang linggo ka ulit na bedridden.”
“Dennis!” Pakiramdam niya, pulang-pula na ang pisngi niya. Ini-expect naman niyang magre-reply ito nang kakaiba pero hindi niya inaasahan na ganoon ang isasagot nito.
Narinig niya ang tawa na naman nito. Simula nang makawala sila sila sa isla na iyon, tumatawa na ito.
“I just want to tease you. Ang cute mo kasi mamula.”
“Labas ka na nga!” taboy niya rito.
“Fine. Lalabas na, Sweet Pea. Rest well…”
Ayan na naman siya sa Sweet Pea nito. Pero bakit parang
nagugustuhan niya ang endearment nito?