Chapter 16: Silly Dennis

1342 Words
RAMDAM ni Sarah ang malamig na hangin ng gabing iyon. Apat na araw na siyang gising mula sa pagka-coma pero ang katawan at isipan niya ay ganoon pa rin. Mabuti na lang at nasa tabing dagat ang bahay na ito nila Dennis. “Hindi ka ba nilalamig?” Boses iyon ni Dennis kaya napangiti siya. Mayamaya ay tumabi ito bandang kanan niya kaya doon din siya bumaling. “M-malamig pero gusto ko. Ang sarap sa pakiramdam.” Saglit na namayani ang katahimikan sa kanila. Mabuti at binasag nito. Kasi mga tunog ng kuliglig ang naririnug niya. Mag huni rin ng iba pang hayop sa katabing kakahuyan. “Bukas nga pala ang dating ng doktor na titingin sa mata mo.” Kunot ang noong binaling niya ang sarili dito. “Pupunta rito pasa consultation? Hindi ba malaki ang bayad no’n?” “Family friend kasi.” “Ah. Okay.” Muli na namang binalot ang paligid ng katahimikan kaya napangisi siya. “Dennis,” tawag niya rito. “Hmm?” Bigla siyang napalunok nang marinig ang paraan nang pagsagot nito. “K-kapag nakakita na ako, ano na ang gagawin mo?” “Bakit mo natanong?” “W-wala lang…” “Wala pala, e. Eh ‘di, hindi ko na sasagutin.” “Dennis!” Narinig niya ang mahihinang tawa nito. “Gusto mo bang malaman talaga?” “O-oo,” nauutal niyang sagot. “Babalik ako sa trabaho ko.” “R-right. M-may trabaho ka nga pala.” Nasabi sa kanya ni Manang Guadalupe, hindi pala nito ito pamangkin. Isa pala itong secret agent. At dahil sa aksidente kaya ito napadpad sa lugar na iyon. Ewan ni Sarah kung bakit nalungkot siya sa sagot nito. Naturak na babalik talaga ito sa trabaho. Kailangan nitong mabuhay siyempre. Paano kung pamilyado ito? Hindi lang sinasabi sa kanila. Malihim ang mga kagaya niya. Napapitlag si Sarah nang maramdaman ang kamay ni Dennis sa pisngi niya. Humaplos ito doon kaya suno-sunod ang lunok niya. Pinaharap din nito sa sarili nito. “Bakit parang nalungkot ka?” “Huh? Hindi, a.” Mabilis niyang pinalis ang kamay nito doon pero muli lang din hinawakan nito. “Kanina parang nalungkot ka. Ngayon naman namumula.” Inangat niya ang kamay niya para hawakan ang pisngi, pero natigilan siya nang mapagtantong kamay nito ang nahawakan niya. Mabilis na lang niyang binawi iyon. “B-baka dahil sa lamig,” sabi na lang niya. Bakit kasi wala siyang makita? Hindi tuloy niya makita ang reaksyon nito ngayon. “Okay.” Mabuti na lang at wala na itong maraming tanong. “Um, Sarah. Ano nga pala ang dahilan bakit kayo naghiwalay ng asawa mo? Curious lang ako. Wala man lang nangyari sa inyo bago kayo naghiwalay,” Hindi siya nakaimik sa tanong nito. Paano ba niya sasabihing siya lang ang may gusto niyon? Na siya lang ang nagmamahal. Pero magaan ang loob niya Dennis, namalayan na lang niyang bumuka ang bibig niya para simulan ang usaping iyon. “Bakit mo natanong?” Ginaya niya ito kaya rinig niya ang mahihinang tawa nito. Sana lang nakikita niya ang itsura nito. Kung paano ba ang mga mata nito tumawa nang ganoon. Sabi kasi ng mag-asawa, gwapo raw ito. Kaya naroon ang kagustuhan niya talaga na makita ito oras na makakita siya. “Gusto kong malaman, e.” “Bakit nga?” “Dahil mahalaga sa akin ang bagay na iyon.” Napaawang ng labi si Sarah. As if ito ang nawalan ng virginity, a. “Dahil hindi niya ako mahal,” maiksi niyang sagot. “What? So, nag-cheat siya sa ‘yo?” “No. It’s not cheating. Bago kami magpakasal, alam kong may iba siya. Kahit hindi niya mismo sabihin, alam ko. Dahil ilang beses ko na siyang nakita kasama ang babae niya.” “I guess, hindi ka niya magawang tingnan man lang…” “Talagang hindi. Natapos ang isang taon na hindi kami nagkita. Kaya sa papel lang ako ikinasal, Dennis. Ang malas ko, ‘di ba? Tapos na-kidnap pa ako.” Saglit na hindi ito nakaimik. “And you think malas na ako ang nakauna sa ‘yo?” “No!” mabilis niyang sabi. “I mean, ang pag-kidnap lang sa akin. Hindi ko naman pinagsisihan ang nangyari sa atin. I told you, parang bayad ko ‘yon sa ‘yo.” Matagal bago ito nakaimik. “Alam mo bang hindi ko nagugustuhan ang salitang bayad?” “D-Dennis…” “I know, mahalaga sa ‘yo ang virginity mo after kong marinig ang rason kung bakit walang nangyari sa inyong mag-asawa. Takot ka lang aminin sa akin, Sarah. Why? Mahalaga ‘yan sa ‘yo. Alam ko. Dahil gusto mong ialay nga sana ‘yon sa kanya. Right?” Tama naman si Dennis. Talagang gusto niyang ang asawa niya ang makauna sa kanya. Pero kaya rin hindi niya masabi dahil ayaw niyang maulit ang katangahan. What if sabihin nitong papanindigan siya nito? Tapos hindi naman pala siya nito gusto? Lumunok muna siya bago tumango. “I want to be accountable for my actions.” “W-what do you mean?” “Gusto kitang panagutan.” “No! Naaawa ka lang sa akin! Sabi nang walang problema kung ikaw ang nakauna sa akin. Ayoko na, Dennis. Ayoko nang makulong sa relasyong walang pagmamahal!” Natigilan si Sarah nang bigla na lang siyang kabigin ni Dennis. “Honestly, hindi ako naaawa sa ‘yo Gusto kong gawin ito dahil gusto ko, Sarah. I like you… I think that’s a good start, Sarah. Let’s figure it out. Ramdam kong ganoon ka rin sa akin….” Lalong hindi nakakilos ang dalaga. Nasa bisig pa rin siya noon ni Dennis. Mayamaya ay naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya. “Hindi ako ganito sa ibang babae. Sa ‘yo lang. Believe me. Wala akong pakialam kung ako man ang nakauna, pero pagdating sa ‘yo, it matters to me. H-hindi ko maintindihan pa, pero sa tingin ko, espesyal ka sa akin.” Nag-angat si Sara nang tingin. How she wish na nakikita niya ang mga mata nito habang sinasabi ito. Gusto niyang makita! Though ramdam naman niya kung paano nito sabihin. Tumatagos sa kanya. Nagsisimula na bang mabaling kay Dennis ang pagtingin niya? “Oh, Dennis…” Niyakap na lang niya rin ito nang mahigpit. “Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa ‘yo,” aniya. Pumikit din siya dahil sa lalong paghigpit ng yakap nito. “Just say yes, Sarah. I mean yes para subukan natin. Malakas kasi ang loob kong mag-work ito.” Hinaplos nito ang pisngi niya. Napalabi siya sa pagiging vocal nito ngayon. Ito ang gusto niyang marinig nang magising siya nakaraan. “Pero bulag ako, Dennis…” “Hindi ka bulag. Nag-response ka nang itsek ka sa CMC. Saka wala naman akong paki kung hindi ka nakakakita, ang mahalaga sa akin, parehas tayo ng nararamdaman.” Napasinghap si Sarah nang bigla na lang siyang halikan nito sa labi. “See? Namula ka na naman,” anito, na ikinahawak niya sa pisngi niya. Ito ang mahirap, ang ipagkanulo ka ng sarili mo. “Sarah?” untag nito sa kanya. “I-I like you too, Dennis. Pero hindi ako komportable. Gusto kong makakita muna bago ‘yan sagutin.” “I can wait, Sarah.” Muli siyang hinalikan nito sa labi. “K-kailangan ba talagang halikan ako lagi?” “Ayaw mo ba?” “H-hindi naman sa ganoon. Mabuti kung tayo na.” “Ulitin mo nga ang huling dalawang salitamg sinabi mo,” “Huh? Ano bang sinabi ko?” Napaisip siya. Nang maalala ay sinabi niya. “‘Yong ‘tayo na’” “Yeah, that’s right. Tayo na.” Sabay tawa nito. Saka lang niya napagtantong pinaulit nito para ang dating, e, sinagot na niya. “Dennis!” sigaw niya rito nang maramdaman ang pagtayo nito. Rinig din niya ang halakhak nito. At habang pawala iyon sa pandinig niya, napapangiti siya. “Loko ka, Dennis,” aniyang siya lang ang nakakarinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD