Chapter 15: Sad Sarah

1823 Words
PAGBALIK ni Dennis sa silid niya, tulog pa rin si Sarah. Ini-expect niyang gising na ito dahil matagal siya sa labas dahil marami nga siyang na-miss sa AO. Matagal ding nagpa-meeting si Supremo kaya binilin niya muna kay Manang Guadalupe. “Hindi pa po siya nagigising?” “Hindi pa, e. Pero parang ang init ni Ma’am. Kanina pa ako kinakabahan.” Sa narinig, mabilis na naupo siya sa tabi nni Sarah at sinalat ang noo nito. Ang init nga ng dalaga. Mukhang lumala yata dahil sa ginawa nila. Given pang virgin ito nang mangyari iyon. “Saglit lang po, huh. Tawagin ko lang ang kaibigan kong doctor.” Nagmadali siya dahil ngayon din ang balik ni Sky sa Manila. At naabutan niya ito sa silid nito. “Kailangan ko ng tulong mo.” “Oh, talaga?” may pagkasarkastiko iyon. Alam niyang dahil sa ginawa niya rito kanina sa pintuan kaya ito gano’n. “Don’t you remember? You almost ruined my hand. You know I’m a doctor and this is important to me, yet you think a simple apology is enough?” “Wow. Sorry na nga, e. Kulit mo rin kasi.” Hindi ito umimik kaya napalunok si Dennis. Ang seryoso nito. Hindi siya sanay. “Bilis mag-sorry, a.” Ngumiti si Sky kapagkuwan. He knew it. Mukhang nang-aasar lang ito. “Dahil ba ito kay Sarah— ang iyong prinsesa? May nangyari na ba sa inyo? Huh?” Tumango na lang siya para puntahan nito ang dalaga at ma-check. “Yon, o!” Sumilay ang magandang ngiti nito sabay kuha ng cellphone nito. Naging abala ito sa pagtipa doon. Kunot ang noo na hinablot niya ang cellphone nito. Pero huli na dahil na-send na nito ang tungkol sa pag-amin niya. Nag-backread siya. Wala siyang ginawa kung hindi ang mapaangat ng kilay pagkuwa’y titingin sa kaibigan. Pinagpustahan siya ng mga kasamahan niya. At ang may pakana? Si Akilah at Axel! “Now I get it kung bakit ganoon ka na lang ka-eager na malaman, huh?!” Kumamot ito. “Si Grecco kasi ang kulit. Imposible raw na maakit ka sa iba. Kaya hinamon siya ni Snake at Wolf. At doon nagsimula ang lahat.” Naiiling na tumalikod na lang siya. “Lahat na lang talaga pinagpupustahan niyo.” “Nagsalita ang hindi batikan sa sugal!” “Iba si Sarah!” singhal niya rito. “Hindi siya kasali dito!” “Talagang iba na nga ang nararamdaman mo sa kanya. Kaya naman pala sinugal mo rin ang dati mong asawa” “Sabi ko nga iba siya. Kasi espesyal siya sa ‘yo. At nanalo kami ni Aki from Grecco and Axel. Babalatu—” Hindi na niya pinatapos ito magsalita, malakas na pagsara ng pintuan ang ginawa niya na ikinaalarm sa bahaging iyon. Seryoso siyang nangangailangan nang tulong tapos hindi man lang nito kayang magseryoso? Bago pa man siya makabalik sa silid niya ay nakabuntot na si Jake sa likuran niya. “Hirap talaga kapag nai-inlove kayo nagiging bugnutin, ano?” Tiningnan niya nang masama si Sky bago binuksan ang pintuan. Kung hindi lang niya kailangan ng serbisyo nito, hindi niya ito papansinin. Mabuti naman at nagmukhang doktor sa paningin niya si Sky ngayon. Seryoso na ito nang tingnan nito si Sarah. Alam naman nito ang nangyari sa kanila kaya hindi na siya nagtaka nang sabihin nitong isa iyon sa rason. Pero ang ikinakabahala nito, ang hindi pag-response ng dalaga sa ilang test nito rito. Nakailang kurot na si Sky sa kamay nito at tinusok rin nito nang bahagya ng medyo matalim ay hindi pa rin kumikilos ang dalaga. “Sabi mo hindi pa siya nagigising mula nang makatulog siya?” “H-hindi pa raw.” Kinakabahan na siya ng mga sandaling iyon. Nakailang tampal siya sa balikat at yugyog dito pero hindi rin magising. Papainumin sana nila ng gamot. Pero walang response sa dalaga, kaya napilitang gawin iyon ni Sky. Muling tsinek ni Sky ang mata at vital signs ng dalaga, hindi maganda kaya muli itong tumingin sa kanya. “She needs to be taken to the hospital, Grey. I think she’s in a coma.” Mabilis na hinigit niya ang cellphone at tinawagan si Supremo. Nang sabihin niya ang kalagayan ni Sarah agad na nagpahanda ito ng chopper para dalhin sa Maynila. Meron naman sa headquarters nila, pero ayaw ni Supremo na doon ito i-confine. Wala rin daw si Silent na pwedeng mag-asikaso rito dahil nasa misyon. Kaya talagang kailangang dalhin ito sa CMC. Sa isang pribadong room dinala si Sarah after na ma-tsek ng mga bihasang doktor sa CMC. Tama nga ang hinala ni Sky, na epekto iyon ng gamot na nainom nito. Nagkaroon ng komplikasyon dahil na-overdose ang dalaga. Marahil sumama pa ang mga nainom ng dalaga nitong mga nakaraan. May ibang gamot pa ritong ininom noon kaya siguro ganoon ang epekto sa dalaga. Halos isang linggo nang nakaratay ang dalaga, pero hindi man lang umalis si Dennis sa tabi nito. Hinaplos niya ang pisngi nito. “Kaya naman pala pamilyar ka sa akin. Ikaw ang babaeng iniligtas ko noon sa aksidente,” kausap niya rito, na para bang may malay ito. “What do you think? Tadhana ba ang nagdesisyon na magkita ulit tayo?” Ngumiti si Dennis. Binalikan niya ito noon sa ospital pero wala na nga ito. Kaya nanghinayang talaga siya noon. “For me, yes. Ikaw ang rason kung bakit lumubog ang bangkang sinasakyan namin. Dahil kailangan mo pala ng tulong ko ulit. Ang galing, ‘di ba?” Muli siyang ngumiti sa dalaga. Hinalikan din niya ang kamay nito. Akmang hahalikan niya ulit nang marinig ang pagtunog ng seradura. Napaayos siya nang upo. Sumandal siya sa kinauupuan at seryosong tumingin sa dalaga. “Hi.” “Hello, Doc. Ano hong balita? Pwede na po ba? Safe po ba?” Ngumiti ang doctor na nag-aasikaso kay Sarah. “Yes. Pwede na, Mr. Jackson.” “Thank you, doc.” Saktong dating din ng mag-asawang Nardo at Guadalupe. Lumabas ang mga ito para bumili ng maisusuot ng mga ito. RAMDAM ni Sarah ang pananakit ng likod nang bumangon siya. Kinapa niya ang lalamunan niya dahil parang uhaw na uhaw siya. Kahit na ang katawan niya medyo nanakit din. Ano bang nangyari? Matagal na nag-isip si Sarah para i-recall sa mga nangyari. Sinapo niya ang noo niya nang paulit-ulit na ungol at tawag ng pangalan niya ang ume-echo sa kanya. “Sh*t!” “Thank God, gising ka na!” Natigilan si Sarah nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Here, water. Drink this first.” Napalunok siya nang maramdaman ang paglapat ng kamay nito sa kaniya. May hawak itong baso na may lamang tubig na ipapainom sa kanya. Naubos niya ang tubig sa baso pero parang kulang pa rin sa kanya. “Thanks,” mahinang sabi niya. “No worries.” Saglit na nawala ang boses nito. “Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa ‘yo?” “M-my body… It’s aching. And, um, parang ang tagal kong hindi nakainom ng tubig,” “W-wala ka bang naalala?” nauutal na tanong ni Dennis sa kanya. Hindi siya umimik, kinagata niya lang ang labi niya. Meron siyang naaalala. At ang linaw-linaw ng pangyayaring iyon. “Almost 7 days kang coma,” “What? Why?” “Dahil sa nainom mo. Na-overdose ka, at bumigay ang katawan mo.” Right. Bago pa man ang araw na iyon, may mga nainom na siya. Baka dahil doon kaya bumigay siya. “Y-yon lang ang nangyari?” Inaasahan niyang sasagot ito dahil alam na nito ang ibig niyang sabihin. “I-I’m sorry,” tanging sambit nito. “It’s not your fault, Dennis. Naipit ka lang din. Kaya ‘wag mo nang isipin iyon.” “P-pero ako ang nakauna sa ‘yo. Hindi ba—” “Does it really matter? I was married before, but it’s annulled, Dennis. Sa title ko pa lang hindi naman mahalaga ‘yan. Right? Kaya wala naman sa akin ang bagay na ‘yan.” Wala siyang narinig mula rito. Actually, mahalaga sa kanya ang virginity niya. Supposedly, sa asawa niya ito gustong ibigay, pero hindi naman nag-work ang marriage niya, kaya hindi itoo big issue sa kanya. “Isipin mo na lang na payment iyon sa lahat ng nagawa mo sa akin. You helped me a lot. Hindi ko iyon nakakalimutan kaya for me, bayad na ako sa ‘yo.” Ang katahimikan ni Dennis ang nagpapatunay na tama lang ang sinabi niya. Nang sabihin niya kaninang annulled na siya. Wala siyang imik. It’s because, nakakahiya sa part nito. “Anyway, what happened that day? I’m drugged pero malinaw pa rin sa akin na nakaalis tayo. Where we now?” Dinig niya ang buntong hininga nito. “Nandito tayo sa bahay namin. Don’t worry, malayo ‘to sa isla.” Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. “So, we’re safe now?” “Yes.” “Thank God…” Nang maalala ang Daddy niya ay sinabi niya niyang kailangan ng Daddy niyang nakaligtas siya. Pero ang tanong, alam ba nito na nawawala siya? Hinanap ba nito? “Hindi sa ayaw kong tawagan ang Daddy mo, Sarah. Pero parang hindi pa pwede.” “What? Why?” “What if may kinalaman sila ng asawa mo rito o ibang kamag-anak mo? Ayaw mo bang alamin muna bago mo tawagan?” Napaisip siya. Oo nga pala. May kinalaman naman talaga ang asawa niya. Kilalang-kilala niya ang boses nito kaya dapat niya munang alamin. “S-saka ayaw mo bang makakita? Sabi ng doctor na nakausap ko, pwedeng bumalik ang paningin mo. Bago kasi kita dinala rito, may ilang test na ginawa sa ‘yo, at ayon, isa nga sa nabanggit. Kaya kung gusto mo sa suggestion ko, I can help you.” Natigilan siya. “Bakit mo ba sa akin ginagawa ito, Dennis? Una, ni-risk mo ang buhay mo, mailigtas mo lang ako. Tapos ngayon, tutulungan mo akong makakita?” Saglit siya nag-iisip kung sasabihin ba o hindi, pero sa huli, sinabi niya. “M-may kapalit ba ito?” Gusto niya sanang makita ang reaksyon nito, pero wala siyang paningin, kaya nakabase lang siya ngayon sa tono nito. “W-wala, Sarah. W-walang kapalit…” Matagal bago nasundan iyon ng, “ginagawa ko ito dahil sa kapatid ko. Matagal na akong walang balita sa kanya. At kapag nakakakita ako ng mga gaya mong humihingi nang tulong, tumutulong ako nang walang kapalit.” Napako lang siya kung nasaan ito. So, parang kapatid lang ang turing nito sa kanya? May kung anong lungkot na bumalot sa kanya. Mukhang walang lalaking magkakagusto nga sa kanya. Sabagay, siya na ang pumutol sa maaring sabihin nito sa kanya kanina na ito nga ang nakauna sa kanya. Pero kaya lang niya ginawa iyon sa takot na papanagutan lang siya nito dahil lang sa nangyari. Ayaw na niyang matali sa relasyon na iisa lang ang nagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD