NANG maramdaman ni Sarah Joanna ang masuyong paglapag sa kanya sa kama ay hinawakan niya ang t-shirt nito at niyakap. Nabigla ito kaya narinig niya ang pagsinghap nito.
Mas lalo pa niyang siniksik ang sarili dito. Sinamantala niyang hindi ito makagalaw. Ayaw niyang mawala ito sa tabi ngayon. Pakiramdam niya, safe siya sa mga bisig nito. Ngayon lang niya ito nakilala pero magaan ang pakiramdam niya rito.
“Don’t leave me here. Please,” nagmamakaawang sambit niya.
Muli, isiniksik ni Sarah ang sarili dito.
“I’m sorry, miss. Pero kailangan ko nang umalis. Pinayagan lang akong pumasok ngayon dahil dala kita.”
“I’ll tell them na ikaw na ang magbabantay—”
“Ma’am, kailangan na hong umalis ni Dennis,” biglang putol ni Manang sa mga sasabihin niya.
Kapag nagsasalita ang matanda ng ganoon, ibig sabihin, may bantay. Wala na siyang magagawa doon.
Malungkot na bumitaw siya sa lalaki at niyakap na lang ang tuhod nang mahigpit.
“Babalik pa ba ito para tulungan siya?” tanong niya sa isipan niya. Sana…
Wala na nga siyang makita ngayon, wala pa siyang kasama. As if nasa ibang mundo na naman siya, mag-isang lumalaban.
Pansin niya, simula nang painumin siya nang sapilitan, nag-iiba siya. Tumaba rin siya at lalo na kung mag-isip. Hindi normal. Iyon nga lang na pagtalon, nakakapagtaka na. May time rin na parang gusto na niyang mamatay talaga. Kaya natatakot siyang isang araw ay mapanawan na siya nang bait dito. Minsan kasi, dumadating siya sa puntong parang nababaliw. Naghihisterikal siya. Maybe dahil parang nasasakal siya dahil nakakulong siya?
Ang daming factors sa totoo lang. Baka dahil din sa annulment nilang mag-asawa. Kasi minahal niya ito nang sobra.
Pero nalilito na siya kung anong pinakadahilan kung bakit ganito siya.
O baka binabaliw lang siya ng taong nagdala sa kanya rito. Sa tindi ng security, hindi siya makaalis. Pero sa tingin niya, hindi basta-basta ang may hawak sa kanya rito. Hindi naman ang Daddy niya ang may gawa nito dahil mahal na mahal siya nito. Kaya napaka-imposible.
Narinig niyang tinawag na ang pamangkin ni Manang na lumabas na kaya naikuyom niya ang kamao. Parang gusto niyang pigilan ulit ito pero baka magalit ang mga ito sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam niya sa pamangkin ni Manang. Iba ang hatid nito sa kanya. Para bang ibang-iba ito sa mga narito.
Iba rin naman ang mag-asawang nagbabantay sa kanya, pero ayaw niyang mapahamak ang mga ito. Matanda na ang mga ito. Ayaw na niyang maulit iyon.
“Halika na. Maligo ka na muna,” ani ng matanda sa kanya.
Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya kaya kumapit na siya rito. Iginiya siya nito sa banyo at inalalayan maligo.
Naglalagay ito ng shampoo sa buhok niya nang tanungin niya.
“Pwede ho bang ang pamangkin niyo na ang magbantay sa akin?”
Natigilan ang matanda sa ginagawa sa kanyang buhok.
“Gusto mo ba talaga?”
“Opo.”
“Sige. Imumungkahi ko kay boss.”
Napangiti siya. Sana lang talaga payagan si Manang. Pero hihilingin niya rin. Minsan kasi nakikinig sila sa gusto ko. Baka maaaring makatulong sa pagpayag.
SA kabilang banda, dahan-dahang sinara ni Dennis ang pintuan ng silid ng alagan ni Manang. Hindi niya maiwasang mapaangat ng kilay. Smartlock nga ang pintuan tapos may additional pa na lock? What the heck?! As if kriminal ang nasa loob. At ito pa, iyon lang ang bukod tanging may ganoong lock. May mga nakita rin siyang camera kaya parang hindi naman normal na bahay ng mga mayayaman.
“Deretso lang ang tingin.” Napansin siguro ng lalaking nasa likuran niya ang mapagmatyag niyang mga mata.
Bahagya niyang nilingon ito. Muntik nang kumunot ang noo niya sa nakita sa tagiliran ito. May baril ito.
“Nagagandahan lang ako sa buong bahay, boss,” aniya rito. “Napakayaman yata ng may-ari nito,” kunwa’’y puri niya.
“Talagang mayaman. Mula pa sa maimpluwensyang pamilya.”
“Wow. Baka nangangailangan pa kayo ng tao, boss? Hindi kasi makatrabaho ang tiyuhin ko kaya baka pwedeng ako muna.”
“Naku, hindi kami basta-basta nagpapapasok rito. Kailangang makilala ka muna ni boss.”
“Ganoon ba? Hindi pa ba sapat na pamangkin ako nila Tiyo Nardo?”
“Siguro, pwede. Kung gusto mo talaga, sabihin ko rin.”
Napangiti siya rito nang matamis. “Maraming salamat, boss.”
Tumango lang ito sa kanya.
Hindi niya maiwasang balikan nang tingin ang malaking bahay nang makalabas. Something is off. Saka na-curious siya sa dalagang nakakulong roon.
Napapikit siya nang maalala kung gaano kahigpit ang yakap nito sa kanya. Halata rin sa mga boses nito ang takot nang iwan niya— lalo na nang yakapin nito ang sarili kanina. Hindi pa niya natanong kung anong nangyari sa paningin niya, pero may nakita siyang sugat bandang ulo nito. Sa tingin niya, temporary lang ang pagkawala nang paningin nito. Dapat iyong malunasan agad.
Nauna siya sa bahay ng matanda. Nakita niya ang asawa ni Manang na nakaupo sa labas. Mukhang pinuwersa nito ang paglalakad.
“Hindi ho ba kayo nahirapan maglakad?”
“Hindi naman. Kailangan ko lang ipraktis dahil baka mahirapan ang asawa ko sa loob.”
“What if ako na lang po muna ang pumalit sa inyo?”
Tinitigan siya ng matanda. “Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Ng nobya o asawa mo?”
Napangiti siya. “Wala ho.”
Isa lang naman ang maghahanap sa kanya, ang ama niya. Mawala lang siya sa paningin ng tauhan nito, tatawag na ito kay Rogelio. Parang ngayon nga lang siya nakalaya sa ama. Kahit na sa trabaho din. Kung pwede nga lang tumira sa malayo sa mga ito habang buhay gagawin niya.
Kaso ang dami niyang responsibilidad— isa na roon ang responsibilidad bilang kapatid. Hanggang ngayon kasi hindi pa niya nakikita ang kapatid. Pero malapit na siya sa katotohanan. Ang kapatid din ang rason kung bakit siya pumasok sa Alleanza Oscura.
May hinahanap din siya na wala sa sarili. Akala ng mga tao o mga nasa paligid niya ay nasa kanya na ang lahat. Hindi pa lahat. Kasi nasa alta sosyudad siya dahil sa posisyon niya sa kumpanya nila bilang CEO. Ang hindi alam ng mga ito, hindi pa rin siya kuntento sa buhay. Marami pang kulang. At alam niya kung ano ang isa sa hinahanap niyang iyon.
Pagmamahal. Hindi ng isang pamilya, kung hindi ng isang special sa buhay. Naiinggit siya sa mga kaibigan niya. Pero meron namang nagkakagusto sa kanya, ayaw niya lang talaga sa mga babaeng immature.
Natawa siya sa isiping iyon. Kasi naman lahat ng natitipuhan niya, may mga mahal na at mahirap makuha.
Una, si Dana. Bato at manhid yata ang puso no’n dahil sa ama ng anak nito. Pangalawa naman, si Helena. Simple at napakabait. Saka nakaya nitong buhayin ang anak nito kahit na mag-isa lang. Kaya napapahanga siya rito. Kaso, may Axel na napakaseloso. Feeling boyfriend na noon kahit na walang label. At itong huli, kay Kristen. Matagal na niyang nakikita ito dahil sa paghatid niya madalas sa Kuya nito. Matagal na rin niya dapat na niligawan ang dalaga— wala pa sila no’ng asawa nito na si Dave, iba pa ang nobyo nito. Kaso kahigpit ng kaibigan niyang iyon. Minsan nga nasasabihan niyang hindi ito kaibigang tunay, dahil sa walang suporta sa kanya.
Napakamot siya sa ulo. Actually, torpe siya. Saka kulang siya sa effort pagdating sa babae. Hindi niya nga magawang umamin sa mga ito. Pero minsan nadadaan niya naman sa biro, kaso talagang bumenta sa mga ito na biro lang talaga ang nilalabas ng bibig niya. Kaya mahirap rin magbiro talaga.
“Sa gandang lalaki mong ’yan, wala talaga?”
“Wala nga po. Boss ko sa trabaho, pwede pang maghanap sa akin. Pero magagawan ko ho iyon ng solusyon kung sakali. Sa ngayon, gusto ko pong makatulong.”
Dahil sa rekomendasyon ng mag-asawa, pati na no’ng lalaking iyon at ng mismong alaga ni Manang, napapayag ang pinaka-boss ng mga ito. Kasalukuyang palabas ng bansa ito noon at kailangan daw talaga ng magbabantay sa dalaga kaya kinonsidera na siya.
At ngayon ang unang araw niya. Kaya maaga siyang gumising para ipagluto ang dalawang matanda. Kahit na mula siya sa mayamang pamilya, marunong siyang magluto. Natuto siya dahil sa tumayong ina niya. Tinuruan siya nito nang magbinata siya. Kaya napakaswerte nga ng mapapangasawa niya kung sakali.
Sabay silang dalawa ng matanda na naglakad papunta sa malaking bahay. Agad na pinakilala siya nito sa guard dahil kakapalit lang ng shift ng mga ito. Sinalubong din siya ng lalaking nakausap niya nang magpunta rito para ihatid ang dalaga. Binigyan pa siya nito ng kape kaya kinuha niya. Though nagkape na siya pag-alis. Ayaw lang niyang tumanggi para magtiwala ito sa kanya.
Sa loob ng ilang araw ni Dennis sa malaking bahay na iyon, hindi na nakalabas ang dalaga. Pero panay ang sigaw nito mula sa silid nito na gusto nitong lumabas. Puno nang pakikiusap. Nasa ibang bansa nga kasi ang pinaka-boss nila kaya hindi ito mapayagan.
Napatayo ang mga kasamahan niya at binitawan ang baraha nang may pumasok na sasakyan. Kumunot ang noo niya nang makita ang pamilyar na lalaki. Iyon ang lalaking nagbebenta ng isla sa kanila.
Agad na nagtago siya sa likod ng isang kasamahan para hindi siya makita. Mabuti na lang at pumasok agad ito sa loob. Dahil bago lang siya, naiwan siya kasama ng ilang kasamahan.
“Mukhang dumating na yata ang stock ng gamot,” dinig niyang sabi ng isang kasama niya. Naglilinis ito ng baril nito.
“Para ho ba ‘yon sa sakit ni ma’am?” aniya.
Umiling ang may edad na kasamahan niya na nagkakape. Inilapit pa nito ang sarili sa kanya.
“Matino ‘yan mag-isip si Ma’am dati. Pero simula nang ipainom ni boss ng gamot na ‘yon, naging ganyan na siya. Sexy-sexy din niyan. Ngayon malapit nang dumoble, ano?” anito sa isang kasamahan nila.
“Sayang siya kung mabaliw lang.” Sabay tingin ng isa sa balcony. Napasunod rin siya. Papalabas si Manang at ang alaga nito. Hanggang dyan lang siya pwede. “Mukhang masarap pa naman.”
Naningkit ang mata niya pero hindi niya pinakita ang mukha sa lalaki. Panay hithit nito sa sigarilyo.
Akmang magsasalita siya nang may lumapit sa mga ito. Ang lalaking nakausap nila sa kabilang isla para sa binebentang property. Kinausap nito ang dalaga at mukhang iniiwas ang mukha. Pero napaawang siya ng labi nang bigla na lang isalpak nito ang gamot maging tubig sa dalaga.
Napakuyom siya nang kamao. Mukhang tama nga ang hinala niya na sadyang ikinulong ang dalaga rito.
Hinintay niyang umalis ang lalaking ‘yon bago lumapit sa mga lalaking nakasama nito sa loob. Ito pala ang nakakausap ng mga taga-rito, at may nag-uutos lang dito.
“Kumusta ang alaga mo, Manang?” aniya sa matanda nang makita ito sa kusina.
“Nakatulog na siya kakaiyak.”
Nakaramdam siya nang awa sa narinig. Malapit na niyang mapagtagpi-tagpi ang lahat. Marami na siyang nakuhang impormasyon. Lalo na kahapon, dinaan niya sa sugal at inom. Gusto niya sanang makausap ang dalaga pero wala siyang pagkakataon.
Hindi niya maintindidihan ang sarili. As if tadhana ang nagdala sa kanya rito sa lugar na ito. Hindi dahil sa naging epekto nang yakap nito sa kanya nang araw na iyon, kung hindi ang kuryusidad kung bakit ito nandito sa isla na ito.
Parehas silang natigilan na dalawa ng matanda nang marinig ang pagtawag ng alaga nito mula sa taas. Sumunod siya rito nang sabihin nito. Wala ang mga bantay dahil nag-iinuman ang mga ito sa likod, at may tiwala na ang mga ito sa kanya. May binigay na alak kanina ang boss na tinatawag ng mga ito. Kaya ayon, silang dalawa ng matanda lang nasa loob.
Nagkatinginan sila ng matanda nang makita ang dalaga na nasa sulok ng silid na iyon. Sabog ang buhok dahil sa kakagulo nito.
“I’m scared, Manang. I’m scared…” Kasunod niyon ang pagsumiksik nito sa bahaging iyon.
Nakagat niya ang labi habang pinakikinggan ito. Bakas sa boses nito ang matinding takot.
Muling inulit nito ang sinabi kaya hindi na siya nakatiis, nilapitan na niya ito. Lumuhod din siya rito para pagpantayin ang sarili sa kanya.
“Hey… What’s wrong?” tanong niya rito. Hinawi pa niya ang buhok nito, kaya nakita na nman niya ang magandang mukha nito. Pero muli na namang umiling-iling ito.
Hindi yata siya nito narinig kaya kinabig niya ito baka sakaling tumigil. Dinala niya ito sa bisig niya. Patuloy pa rin ito na sinabayan din nang hikbi kaya muli siyang nagsalita.
“Hey. It’s me… Dennis.” Damn it! Nagagalit ang laman niya kapag naririnig ang hikbi nito. Bakit hindi niya kayang makita ito nang ganoon?
Bigla naman itong tumigil sa narinig. Hinaplos nito ang likuran niya kaya napipikit siya.
Bumitaw ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. Isang pamilyar na kuryente ang gumapang sa kanya habang pinaglandas nito ang malambot na daliri. Sa mata, ilong hanggang sa labi niya. Napaawang tuloy iyon nang bahagya dahil sa paraan nang paghaplos nito.
Mayamaya pa ay inilapit lalo nito ang sarili sa kanya at muling humihikbi.
Gaya nang nakaraan, siniksik din nito ang sarili sa kanya, sa mismong dibdib niya. Ramdam niya ulit ang maiinit na hininga nito na tumatama sa kanya. As if walang sagabal na damit noon.
Damn! Bakit parang heaven ang pakiramdam?
“You’re here. You’re back,” anito.
Bakit parang hinihintay talaga siya nito?
“Thank God! I’m not scared anymore,” anas nito ulit na mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.
“Yes, I’m back,” mahinang sabi niya, sabay pikit. “I’ll take you away from this place, I promise,” bulong pa niya sa mismong tainga nito na ikinatigil nito.
Nag-angat ito nang tingin sa kanya, pero gaya ng nakaraan, diretso lang. It seems hindi pa bumabalik ang paningin nito.