NAGISING si Sarah na magaan ang pakiramdam niya. Iba talaga ang epekto sa kanya ng presensya ni Dennis.
Kinapa niya ang kaliwang bahagi niya. Bigla siyang nalungkot nang walang mahawakang Dennis. Mukhang pinatulog lang siya nito talaga bago umalis.
Muli na naman niyang narmadaman ang mag-isa sa apat na sulok ng silid na iyon. Wala na siyang paningin kaya hindi na niya magawang libangin ang sarili. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya ng mga oras na iyon. Tinawag niya ang Daddy niya, as usual, walang sumagot. Kasi naman wala naman talaga ang Daddy niya rito.
Nang makaramdam nang takot ay nagsumiksik siya sa gilid at nagtaklob ng unan. Binalot niya rin ang sarili ng kumot para hindi makita ng mga ito. Gusto niyang lumayo at magtago sa mga taong labas-pasok sa kanyang silid.
Napalunok si Sarah nang marinig ang mga yabag mula sa labas. Kilala na niya kung sino ang nagmamay-ari niyon. Kasama naman si Manang pero parang wala lang ito.
Yumuko siya nang marinig ang pagbukas ng pintuan.
“Gising ka na pala, hija. Kumain ka muna ng hapunan bago uminom ng gamot.”
Tinanggal niya ang unan sa mukha. Kabisado na niya ang silid na iyon kaya humarap siya kung saan niya narinig ang tinig ng matanda. Inilapag nito sa bedside table ang dala nito at sumampa sa kamay para alalayan siya palapit sa kabilang side.
Dahil hindi niya kayang subuan ang sarili niya, ang matanda ang sumusubo sa kanya. Pakiramdam niya gutom na gutom siya kaya marami siyang kinain.
Natigilan siya sa pag-inom ng tubig nang marinig ang sinabi ng pamilyar na lalaki na pwede na siyang uminom ng gamot. Kaya naman naramdaman niya ang kamay ng matanda na hinawakan ang kanya para ilagay sa palad niya ang gamot. Inilagay niya iyon sa bibig at tinago sa gilid pero napadaing siya nang may dumiin sa magkabilaang pisngi niya.
“Nganga,” utos ng lalaki.
Hindi niya agad nagawa kaya sinampal siya nito nang pagkalakas, dahilan para lumabas ang naitago niyang gamot. Bigla rin nitong sinalpak sa bibig niya at sinundan ng tubig kaya halos mabulunan siya.
Wala na siyang nagawa nang maramdaman ang gamot na bumaba na sa kanyang lalamunan.
Ganito lagi nangyayari kapag nahuhuli siyang hindi iniinom ang gamot.
Dati-rati, umiiyak siya sa t’wing ginagawa iyon ng lalaking iyon. Pero ngayon hindi na. Kalmado siya kanina kaya nagagawa niyang kontrolin ang sarili niya. Pero maya-maya lang nito ay hindi na.
“Hija, ’wag nang matigas ang ulo kasi. Inumin mo na lang para gumaling ka,” anang matanda.
Hindi siya sumagot. Hindi naman siya gagaling dahil lalo lamang lalala iyon.
Saka lang umiyak nang umiyak si Sarah nang makalabas na ang mga pumasok sa silid niya. Helpless na naman siya ng mga oras na iyon.
Nakatulog din siya agad dahil sa epekto ng gamot. Hindi lang nakakaantok ang gamot, nakakabaliw pa. Kaya sigurado siyang iba na naman ang iaakto niya bukas.
HALOS mamuti ang kamay ni Tristan kakakuyom habang pinapanood kung paano pinapainom ang alaga ni Manang. Parang gusto niyang pilipitin ang leeg ng lalaking gumagawa noon sa dalaga. Mukhang alam na ng dalaga na may mali sa gamot kaya nito tinatago. Pero dahil wala itong paningin, nakatutok dito ang ilang kasamahan niya.
Hindi mawala-wala sa isipan niya ang nakita kaya lalong nadagdagan ang kagustuhan niya na ialis ang dalaga doon. Pero kailangan niya ng gamit.
Kinagat niya ang labi nang maalaala si Supremo. Malapit lang ang headquarters dito kaya pwede siyang makahingi nang tulong. Kaso matagal siyang walang paramdam kaya siguradong sarado ang isip nito sa kanya. Hirap pa naman kausapin ’yon kapag hindi nagpaalam. Sasabihin niya na lang na kagagaling niya lang. Pero kapag nakita siyang mukhang okay, hindi iyon maniniwala kaya kailangan niyang mag-isip. Sasabihin no’n, well-trained tapos hindi kayang pagalingin ang sarili? Tapos hindi siya nakagawa agad nang paraan para makabalik?
Napahilot si Tristan. Gamitin niya na lang ang last button niya rito— ang call a friend, kapag hindi ito nakinig sa kanya.
Pero bago siya umalis dito para humngi nang tulong, kailangan niya munang makakuha ng sample ng gamot na iniinom ng alaga ni Manang. Sabi ni Manang, Heidi ang pangalan nito, pero Sarah ang sinabi nito kaya ang hirap nitong i-address.
“Manang, lagi po bang ganoon ang ginagawa sa alaga mo kapag nahuhuli siya?” tanong niya sa matanda nang pauwi sila.
“Oo. Madalas, kaya lagi siyang nasasaktan,” sagot ng matanda sa kanya.
Naglalakad sila noon pauwi ng bahay nito.
“Alam ko naman kung para saan ang gamot na iyon pero wala akong magagawa para sa kanya. Sino ba naman kami para kumontra?”
Oo nga naman. Simple lang ang buhay nila. Walang ibang makakatulong kung hindi siya.
“Alam mo bang may namatay na dahil kay Ma’am?”
“Ho?” Binilisan niya ang lakad niya at sinabayan ang matanda.
“‘Yong dating nagbabantay kay Ma’am, namatay dahil tinulungan siyang makatakas.”
Napa-ah si Tristan sa narinig.
“After no’n, hindi na nagsasalita si Ma’am sa kung ano ang gagawin at nararamdaman niya. Siguro takot siyang madamay na kami.”
Naiintindihan niya. Ayaw ng alaga nito may mangyari din sa matanda siguro. Mukhang alam na nito ang nangyayari sa sarili nito. Kailangan niyang makausap talaga ito. Pero kailangan niya rin munang kunin ang tiwala nito.
Nahihirapan siya sa kalagayan nito. Kahinaan niya talaga ang mga babae. Nakakaawa kasi. What if mangyari din ’yan sa kapatid niya?
Hindi makatulog si Tristan nang gabing iyon kaya naglakad-lakad siya. Late na nga iyon. Sa tingin niya mga ala una na yata ng madaling araw.
Dahil kilala naman na niya ang nasa labas ay nakipagkwentuhan siya sa guard ng malaking bahay. Sabi niya hindi siya makatulog, pero ang totoo niyan gusto niyang silipin ang dalaga. Madalas kasi nasa balconahe ito ng silid nito noon ayon sa matanda kapag hindi makatulog o nagigising ng madaling araw. Ewan lang ngayon dahil nawalan nga ito nang paningin.
Tumingin siya sa balconahe nang bumukas ang ilaw. Mayamaya lang ay lumabas ang dalaga. Kabisado naman na nito ang silid nito kaya siguro nakalabas ito ngayon kahit na walang kasama.
“Madalas bang tumatambay dyan si Ma’am kahit na walang paningin?” Sabay nguso niya sa dalaga.
“Oo. Nagpapahangin lang siya.”
“Ah.”
Mahigit kalahating oras yata siyang nakipagkwentuhan sa bantay bago nagpaalam dito. Pumasok na kasi ang dalaga kaya parang wala na ring silbi kung magtatagal siya roon.
Akmang hahakbang siya nang maisipang lingunin muli ang balkonahe. Bukas ang ilaw sa loob ng silid nito kaya kita niyang hindi nito naisara ang pintuan ng balconahe nito. Kaya naman naghanap siya nang paraan kung paano makapasok nang di nalalaman ng mga ito. Kabisado naman na niya kung nasaan ang CCTV kaya nakuha niyang makapasok sa loob.
Napangiti siya nang makitang abala na namang nagkukumpulan ang mga kasamahan niya. May alak sa gitna ng mesa kaya sa tingin niya walang tumitingin sa surveilance. Pero siniguro niya.
Nang makita ang lalaking laging nasa harap ng mga monitor ay tinungo niya ang bahaging madilim na puno malapit sa balconahe ng dalaga. Mabuti na lang at may malapit na puno. Nga lang kailangan niyang talunin para maabot ang railings. Walang camera sa bahaging iyon dahil sinira na niya nakaraan pa. Hindi pa napapalitan dahil wala nga ang boss, nasa ibang bansa. Kuripot naman ang may hawak dito, ayaw paluwalan, hintayin daw muna nila ang pera na galing sa pinaka-boss nila.
Mabuti na lang at abala ang mga bantay ng mga sandaling iyon. Hindi rin nakatingin ang bantay na nasa gate dahil abala sa panonood sa cellphone nito.
Ilang beses na nagpakawala nang hangin si Tristan bago tinalon ang railings. Nakakapit naman na siya pero sana lang hindi nakatingin ang bantay na nasa guardhouse.
Nilingon niya ang guardhouse bago ulit kumilos. Hindi pa rin nakatingin kaya inipon niya ang lakas para makaakyat. Agad na nagtago siya sa madilim, na hindi nakikita ng guard.
Tinampal niya nang bahagya ang dibdib dahil habol niya ang hininga. Mayamaya lang ay namatay ang ilaw kaya alam niyang nakahiga na ang dalaga.
Maingat na sumilip siya sa pintuan. Mahirap na baka may banta pala sa loob. Wala ring camera sa loob dahil nabato ng dalaga iyon, as if sinadya nitong sirain.
“Miss Sarah,” mahinang tawag niya sa dalaga nang makapasok sa silid nito.
Hindi niya pwede tawaging Heidi dahil baka magwala ito.
“S-sino ka?” sagot nito, sa mahinang boses din.
“It’s me.”
“Dennis?” Napangiti si Tristan nang sumigla ito. “Nasaan ka? Paano ka napakasok?”
“Nasa kaliwang bahagi mo.”
Wala mang ilaw pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagngiti nito.
Gumalaw ito. Inusog nito ang unan malapit sa kanya kaya naupo siya sa sahig paharap dito. Tinaas nito ang kamay para hawakan siya kaya inilapit niya ang kamay niya para mahawakan nito.
Napalunok siya nang pinagsiklop nito iyon. Sinundan iyon ng kakaibang kiliti kaya napamura siya sa isipan niya.
“Nandito ka ba para patulugin ako?” Natigilan siya sa tanong nito. “You know, I can’t sleep na kapag nagigising ng midnight. Nabanggit yata sa ’yo ng Tiya mo.”
“Y-yeah. Madalas ka bang nagigising sa madaling araw?” tanong niya.
“Hmm. Dahil sa nightmare.”
“Oh.” Hindi na ito sumagot kaya tahimik na rin siya.
“I can be your friend, Sarah. You can rely on me. Mahirap mang paniwalaan pero hind kita sasaktan.”
“I know. I can feel it, Dennis. Ramdam kang iba ka sa kanila.”
“Thank you, Sarah.” Bumitaw ito sa kamay niya kaya nakaramdam siya nang panghihinayang.
Napasinghap siya nang haplusin nito ang mukha niya. Hinayaan niya lang na gawin iyon. Napunta rin sa ilong niya hanggang sa tungki. At sa huli ay sa labi niya kaya sunod-sunod ang lunok niya. Pero ang totoo niyan, may binubuhay ito sa loob niya. Hindi niya maintindihan ang sarili.
“Gusto kong makaalis dito, Dennis. Matutulungan mo ba ako?” aniya nang bawiin nito ang kamay. Naupo ito sa gilid ng kama paharap sa kanya.
“Gusto mo ba?”
“Yes. Gusto ko. Ayokong mabulok dito. Ayokong mabaliw, Dennis. Kaya tulungan mo akong makatakas dito. Tatanawin kong utang na loob ito kapag naitakas mo ako rito.”
“‘Wag kang mag-alala, nag-iisip na ako nang paraan para makaalis ka rito. Basta magtiwala at maghintay ka lang, Sarah.”
“Oh, thank you, Dennis!”
Nanlaki ang mata niya nang bigla na lang kumilos ito para yakapin siya. Sa takot na mahulog ito sa sahig ay sinalubong niya ito nang yakap. Pero dahil sa bigat nito ay napahiga siya kasama nito. Kaya ito ang nasa ibabaw niya ng mga sandaling iyon.
“S-Sarah,”
“D-Dennis,”
Halos sabay na sambit nila.
Ilang ang naramdaman nila ng mga sandaling iyon pero parang walang nais na gumalaw.
“S-sorry,” ani ni Sarah sabay tayo, pero mali ang ginawa nito kaya muli itong napahiga sa kanya. Sa pangalawang pagkakataong ay muli na namang nadaganan nito ang umbok niya kaya lalong nagalit ang kaibigan niya. Kaya siya na ang gumawa nang paraan para maitayo rin ito. Pinangko niya ito at binalik sa kama.
“B-bukas, babalik ako. Same time. Pero may pakiusap sana ako sa ’yo, pwede mo bang gawan nang paraan na hindi mainom ang gamot? Kailangan ko iyon para mapa-test.”
“S-sige, Dennis.”
“Good.”
Bago siya umalis ay marami siyang binilin dito. Tinuruan niya rin kung paano itago ang gamot sa bibig. Gusto niyang itago ang lahat ng gamot na pinapainom dito at palitan. Kapag may gamot na siyang hawak. Kailangan niya ring i-secure ang kaligtasan ng dalawang matanda dahil alam ng mga ito pamangkin siya kaya talagang babalikan ang mga ito. Kaya hindi madali ang pagtakas nila dito. Kailangan niyang planuhin ang lahat.
Sila, madaling makaalis at makahingi nang tulong, kaso ang iniisip niya ang dalawang matanda din kung sakali.
Bumalik siya sa bahay ng mag-asawa na basang-basa. Sinabi niyang nag-swimming siya dahil hindi siya makatulog. Mabuti na lang at ginawa niya iyon dahil gising pa si Mang Nardo.