Chapter 8: Punishment

2586 Words
PAASA. ‘Yan ang nasa isipan ni Sarah dahil sa hindi pagtupad ni Dennis. Sabi nito, babalik sa silid niya ng sumunod na gabi, pero naghintay lang siya sa wala. Nagawa na niyang maitago ang gamot at naipon na pero wala pa rin si Dennis. Inulit niyang bilangin ang gamot sa kamay niya. Lima na. Ibig sabihin, limang araw at gabi na hindi ito nagpaparamdam. Kaya tinatamad siya madalas na lumabas ng bintana para magpahangin. Sobra ang lungkot na nararamdaman niya. Pakiramdam niya iniwan siya ni Dennis sa ere. Ang sabi lang ni Manang, umalis ito nakaraan, sinamahan si Mang Nardo sa clinic, pero hindi naman siguro inabot ng ilang araw do’n ang matanda? Kaya bakit hindi ito pumapasok kasama si Manang? Nagbago na ba ang isip nito? Baka hindi naman talaga ito concern sa kanya. Kaya pinaasa lang siya nito. Akmang itatapon ni Sarah ang gamot nang maramdaman ang sunod-sunod na yabag sa labas. Agad na kinapa niya ang unan at binuksan ang zipper para itago sa loob niyo ang hawak na gamot. Hindi niya oras ng inom ngayon, mamayang gabi pa, kaya ano bang gagawin ng mga ito dito? Tumagilid nang higa si Sarah nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Naramdaman niya ang nagmamadaling yabag at maiingay na nag-uusap. Mukhang may bitbit ang mga ito dahil may nagagalit dahil tumama ang dala nila sa doorknob. Hindi naman siya pinansin ng mga ito pero naririnig niya ang mga ito na may tinatrabaho sa pader. Tunog ng drill ang naririnig niya. Ano ba ang ginagawa ng mga ito? Wala si Manang, e, kaya hindi niya matanong. Hindi niya alam kung ilang minuto ang Mga ito pero mayamaya ay may nagsalita, hindi galing sa kanila, kung hindi sa TV. Iyon pala ang in-install ng mga ito. Mas baliw yata ang mga ito sa kanya. Nagpalagay ng TV, e, hindi naman siya nakakakita. Napapitlag si Sarah mayamaya nang biglang lumakas iyon. At may speaker pa nga. Para saan ba ang mga inilagay ng mga ito? Bakit kailangang sa silid niya? Hinintay ni Sarah na matapos ang mga ito at lumabas bago naupo. Dahil kabisado niya na ang apat na sulok na iyon, madali lang siyang nakababa ng kama. Kinapa niya ang kinaroroonan ng TV. Para makabasado na niya. Natigilan si Sarha nang mapagtantong sobrang laki ng speaker. Nakapa niya at naglalaro na sa isipan niya kung gaano iyon kalakas. Ang buong akala ni Sarah basta lang inilagay ang TV doon. Akala niya para lang din ma-monitor siya. Iniisip niyang may camera na naka-install din doon kaya naging maingat siya lalo. Iniisip niyang naka-pokus lang sa pagtulog niya. Subalit mali siya nang inaakala. Sa pangalawang araw na naroon ang TV na iyon, ilang beses na niyang naririnig ang mga tunog ng halinghing mula sa speaker. May naka-play na malaswa sa TV na iyon. Sobrang lakas kaya kahit na anong takip niya sa tainga niya ay nanunoot pa rin sa kanya. Mahigit isang oras yata siyang nakakarinig niyon. Ano ba talaga ang plano ng mga ito sa kanya? Sa pangatlong araw ay naging tatlong gamot na ang pinapainom sa kanya kaya nakakapagtaka. Hindi hinahayaan ng mga ito na hindi niya mainom lahat bago umalis. Mahigit sampung minuto na mula nang makainom siya ng gamot. Pakiramdam niya may kakaiba sa kanya. Masyadong malinsangan para sa kanya. Kaya napilitan siyang bumaba ng kama para magpahangin. Pero wala ring epekto sa kanya. Nararamdaman niya ang malamig na nagmumula sa hangin pero hindi naman nakabawas sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Sunod-sunod din ang pagtibok ng puso niya. Ang emotion niya ng mga sandaling iyon ay kakaiba. Nakokontrol niya ang isipan nitong mga nakaraan dahil sa ilang araw na niyang na-miss ang gamot, pero ngayong nadagdagan ang iniinom niya, hindi niya alam kung paano kontrolin ang sarili. Hindi niya kasi maintindihan ang sarili. Marami pang naramdama nsi Sarah ng mga sandaling iyon. Mas lalo nang bigla na lang niyang marinig mula sa TV ang mga halinghing. Talagang sinakto ng mga ito na nasa ganoong estado siya. Kasabay ng mga ungol mula sa speaker na iyon ang pagtaas ng init na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya uhaw na uhaw rin siya kaya hindi na niya napigilan ang sariling bumalilk sa kwarto at kumatok sa pintuan. “Gusto ko ng tubig! Nauuhaw ako. S-sana ’yong malamig na malamig!” aniya. Pero wala man lang nagbukas ng pintuan. Tumitindi na rin noon ang bakbakan na naririnig niya mula sa TV. Ang nararamdamang init ay unti-unti nang nagiging pawis dahil sa imahinasyong nabubuo ng kanyang isipan. Hindi na siya talaga mapakali. Kahit na anong kuyom niya ng kamao para pigilan, ganoon pa rin ang nararamdaman niya. Mas lalo pa ngang lumala. Namalayan ni Sarah na napapaupo na siya habang nakasandal sa pintuang iyon. Walang nagbukas sa kanya para magbigay ng tubig. Paulit-ulit na ume-echo sa kanyang pandinig ang mga ungol ng magkapares kaya napapa-react ang katawan niya. Hindi pa siya nakainom ng party drugs, pero sa tingin niya, parang ganoon ang pinainom sa kanya. At that moment, alam niya sa sarili kung ano ang nangyayari sa kanya. They drugged her, at hindi niya kayang pigilan ang sarili niya. She found herself touching herself but stopped when the door was suddenly open. Sinamantala niya iyon para lumabas. Kahit na wala siyang paningin, nagawa niyang baybayin ang daan palabas. May pumipigil sa kanya. Nagugustuhan niya ang epekto ng pagkakadikit ng katawan nila dahil sa nainom pero mas lamang ang nasa isipa niya. Gusto niyang tumalon sa dagat at ilublob ang sarili sa tubig. Malamig na rin sa labas ngayon dahil sa nariinig na patak ng ulan. “Ma’am, bawal hong lumabas! Gabi na at umuulan pa!” dinig niyang sigaw ng lalaki pero hindi niya pinansin. Mas tumindi ang init at kakaibang pakiramdam sa mga laman niya ng mga sandaling iyon. “S-si Manang, please?” pakiusap niya. Hindi siya tumitigil sa paghakabng. Pero alam niyang malapit na siya sa pintuan. Alam niyang hindi na niya kayang kontrolin ang sarili sa mga susunod na sandali kaya kailangan niyang ipatawag ang matanda. Natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanya. SA kabilang banda, ilang beses na sumilip si Dennis sa bintana ng silid ng dalaga. pero hindi ito lumabas. Ilang araw na actually na hindi niya ito nakikita. Hindi rin siya makaakyat sa gabi dahil nagawa na ang CCTV malapit sa bintana nito. Hindi rin siya makapasok basta-basta dahil biglang naghigpit. After niyang samahan si Mang Nardo na magpa-check up ay maraming nagbago sa malaking bahay bigla. Nang ganoon kabilis. Bigo na namang umuwi si Dennis nang araw na iyon. Sa labas siya na-assign. Iba na ang kasama ng matanda na pumapasok sa silid ng dalaga. Naging malungkutin ang dalaga ayon dito. Kung dati nakikipag-usap pa ito sa matanda kahit saglit, pero nitong dalawang araw, hindi. Mas gusto raw nito sa loob lang ng silid. Niyayaya nga raw ng matanda sa may balcony nito pero na hindi raw umiimik. Sinahod ni Dennis ang kamay at dinama ang tubig ulan. Malakas ang ulang ng mga sandaling iyon. Mukhang may bagyo pa yata. Napakunot ng noo si Tristan nang matanaw ang matanda na tumatakbo. Wala itong payong. “Saan ho kayo galing, Manang? Bakit ho kayo nagpaulan?” aniya nang pagbuksan ito. “Bumalik ako dahil naiwan ko ang sinahod ko. ” “Naku. Nasira lang ng alaga ko kakapiglas.” “Ho? Bakit po? Anong nangyari sa kanya?” sunod-sunod niyang tanong. Sinundan pa niya ang matanda. “Mukhang may mali sa nainom niya kanina. Nagwawala pagbalik ko, nagpaulan. Ang sabi niya, naiinitan siya samantalang napakalamig ng tubig ulan. Tapos ang nanginginig siya nang maibalik namin sa silid niya. Matindi rin ang pawis niya nang mabihisan ko.” Napaawang ng labi si Tristan. What the f**k! Sana mali ang nasa isipan niya. Hindi niya tinigilan ang matanda hangga’t hindi nalalaman ang ibang detalye sa nangyayari sa alaga nito. At nang mapagtagpi-tagpi ay nagpaalam siya na lalabas lang. Pero ang totoo niyan, papasok siya sa loob. Dapat kagabi pa niya ito gagawin pero wala siyang lusot. Siguro ngayon meron dahil umuulan. Sigurado siyang mag-iinuman ang mga bantay. Kaya sana lumakas pa. Dahil kabisado na niya ang malaking bahay, inuna niyang puntahan ang nasa likod. Walang nagbabantay doon kaya madali niyang nasira ang camera na naroon gamit ang ginawang tirador. Wala ring nakapansin dahil nag-ipon-ipon ang mga bantay. Nahirapan lang siyang makapasok dahil sa taas ng pader. Gumamit pa siya ng lubid at pang-angkla ng sasakyang pandagat para kumapit sa pader. Mataas din ang tinalon niya habol niya ang hininga nang makapasok. Lahat ng mga ginamit niya ay nakahanda na, nakaraan pa. Binili pa niya ang lubid sa kabila. Hindi niya sinira ang camera malapit sa balcony ng dalaga. Wire ang sinira niya para hindi mahalata. Kaya hindi lang isang Nag-iinuman ang mga bantay nang gawin niya ang mga ito. Mukhang may pinapanood ang mga ito kaya nagawa niyang makaakyat. Basang-basa siya noon nang makaakyat ng balcony. Ayon sa matanda, tinanggal ang CCTV sa loob ng silid ng dalaga pero may pinalit na TV. Kaya mula sa balcony, sinilip niya ang kinaroroonan ng TV. Nang masigurong walang camera siyang nakikita ay pumasok siya, pero napakunot siya ng noo nang mapansing wala roon ang dalaga. Agad na inilinga ni Tristan ang paningin. Napako ang tingin niya sa banyo na nakabukas. Subalit wala siyang naririnig na lagaslas ng tubig. Tinungo niya pa rin ang banyo para siguraduhin. Nanlaki ang mata niya nang makita ang babaeng hubad na nakalubog sa bathtub. Wala siyang pakialam ng mga sandaling iyon kahit na wala itong saplot, inahon niya ang nakalubog na katawan ng dalaga doon. “Sh*t!” aniya nang wala man lang siyang maramdamang galaw mula sa dalaga kaya kinabahan siya. “Sarah, wake up!” Niyugyog pa niya ito pero ganoon pa rin. Pero nang makita ang hinga nito ay napanatag siya. “Hey, Sarah.” Akmang uulitin niya ang pagyugyog nang magmulat ito. “Look at me, Sarah.” Bahagya niyang tinampal ang pisngi nito dahil nakatingin lang nang deretso. Alam niya, hindi pa bumabalik paningin nito kaya wala itong nakikita, sadyang malalim lang ang iniisip siguro nito. “Anong nangyari?” tanong niya rito. “Bakit nakalubog ka sa bathtub?” Hindi sumagot si Sarah. Wala ito sa sarili nang igiya nito ang sarili patayo. Iniwas niya ang tingin niya nang mapagtantong wala nga pala itong damit. Kaya naman kumuha siya ng towel mula sa kabinet at binalot dito. Subalit nahulog lang iyon. Kaya naman pinulot niya at binalot ulit dito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na tinanggal. Inalalayan niya rin na makaupo ito sa kama. “A-ako na ang kukuha ng damit mo.” Iniwan niya ito at tinungo ang closet nito. Parang robot lang itong nakaupo nang silipin niya. Ganoon pa rin ang posisyon nito kasi. Napalunok si Tristan nang makita ang underwear nito. Naiilang siya subalit hinawakan niya pa rin iyon. Kahit ang pang-ilalim na saplot nito sa taas. Inayos lang ni Tristan ang underwear nito sa kamay at ito na ang nagsuot. Tumalikod pa siya para magawa nito. “O-okay na?” tanong niya mayamaya. Dahil hindi ito sumasagot, lumingon siya. Pero biglang bumara lang sa lalamunan niya nang makita ang malaman at makinis na hita nito. Kahit na sabihing nadagdagan ang timbang nito, nakakakuha pa rin ng atenyson ng mga lalaking gaya niya. Muli niyang iniwas ang tingin at naghintay na lang hanggang sa maisuot nito ang damit. Sinundan na lang ni Tristan nang tingin ang dalaga nang sumampa na ito at nahiga. Basang-basa ang buhok kaya tinuyo niya iyon gamit ng towel. Hindi niya magamit ang dryer dahil baka makaagaw nang atensyon sa labas. Gusto sanang malaman ni Tristan ang lahat mula sa dalaga pero tikom ang bibig nito. Kaya nasabi niya sa sariling may tampo ito sa kanya. Kasi kung galit, ’di sana pasigaw ito sa kanya. Pero ngayon, parang wala lang siya sa paligid. Akala ni Tristan ay nakahiga lang ito, hindi pala. Nakapikit na ito. Mukhang napagod ito dahil narinig niyang humilik ito. Napapitlag si Tristan nang biglang bumukas ang monitor. Bigla siyang napalabas sa may balcony. Baka mamaya may biglang pumasok. Pero hindi niya inaasahan ang sunod na nakita sa malaking TV na iyon. May pinapalabas na malaswa doon. At sobrang lakas pa ng tunog dahil sa malaking speaker kaya nakaramdam siya nang galit. Tumingin pa siya sa dalaga na noo’y himbing na himbing. Mabuti na lang at tulog na siya. Delikado na yata ang susunod na mga araw para kay Sarah. Dapat na itong makaalis sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Bago umalis si Tristan sa malaking bahay na iyon ay naipangako niya sa sarili na iaalis na si Sarah doon. Kaya maaga pa lang kinabukasan ay umalis siya para pumunta sa kabilang isla para makitawag. Wala pang isang oras nang makita ang chopper na papalapit sa kinaroroonan niya. Agad na kumapit siya sa ladder na ibinaba ng chopper na iyon. At habang umaandar iyon ay iginigiya niya ang sarili paakyat. Natigilan siya nang bumungad sa kanya si Supremo na may hawak na baril. Talagang tinutok pa sa kanya kaya alangang ngiti ang pinakawalan niya rito. Pero hindi niya akalaing babarilin nito ang isang side ng ladder na iyon na gawa sa lubid. “Damn it, Supremo! Mahuhulog ako sa daat!” aniyang nakakapit sa isang side na lang. Natatanaw na niya ang headquarters ng Alleanza pero hindi niya alam kung makakaabot siya dahil sa lubid na kinakapitan niya ngayon. Binaril pa kasi ni Supremo ang isa kaya natanggal na ang ladder na kinapitan niy kanina. Mabuti na lang at naabot niya ang rope na nakalambitin. “Greyhound is dead. Kaya sino ka, huh?” patanong na sigaw ni Supremo sa kanya nang silipin siya nito. “Were you sent by my enemy?” seryosong tanong nito. Fuck! Sinundo pa siya nito kung magtatanong kung sino siya? Sinabi na nga niya kanina kay Tres ang dahilan kung bakit ngayon lang siya nagparamdam tapos ganito ang bungad nito? Ini-expect na niyang magagalit ito pero hindi niya akalaing papatayin siya nito sa nerbyus ngayon! Kailangan niyang makabalik kay Sarah mamayang gabi rin. Nahirapan siyang umakyat dahil sa klase ng lubid na iyon. Masakit sa kamay at madulas. Kailangang makasampa siya sa taas para paliwanagan ang makitid na uatak ni Supremo. Alam niyang isa lang ito sa parusa niya. “C’mon, Supremo! Maawa ka naman, o!” sigaw niya rito, pero hindi ito sumilip. Kaya naman ganoon na lang ang paghihirap niya habang nasa himpapawid sila. Anytime, bibigay na ang kamay niyang nakakapit sa lubid na iyon. Mukhang sinadya ni Supremo na papalitan ang rope. Ramdam na niya ang hapdi at sugat sa kamay, kaya naman muli niyang tiningnan ang layo ng headquarters. Sana lang makaya pa niya. Kung kailan malapit na ang chopper ay saka sumilip si Supremo. “Holy sh*t!” ani ni Tristan nang makitang nakatutok ang baril sa rope. “Oh, no!” At hindi nga siya nagkamali, pinatamaan nito ang rope kaya sa tubig siya bumagsak. Kaya malayo-layo ang nilangoy niya papunta sa pampang na sakop ng main headqaurters ng Alleanza Oscura. Hindi mabilang ni Tristan ang mura sa boss nila nang marating niya ang pampang. Matindi magparusa si Supremo kaya ini-expect niyang meron pa pagpasok niya sa loob ng facility. Ramdam niya ang hapdi sa kamay nang ihiga ang pagal na sarili sa buhangin. Halos hindi niya maikuyom ang mga kamay dahil sa sugat. Sana pala umupa na lang siya ng bangkang de motor na maghahatid dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD