“SANDALI,” pigil ni Tristan kay Sarah nang akmang huhubaran siya nito. “Hindi mo ba ako na-miss?” “Na-miss. Pero hindi ba sobrang bilis?” Lumunok pa siya. Marahik napahiya ito, umalis ito sa kandungan niya. “Fine.” Tumalikod ito. “Sarah! Wait!” “Gusto kong magpahinga, lumabas ka na,” anito. Hindi naman siya sumunod sa sinabi nito, mabilis niyang iginiya ang sarili papunta sa silid nito. Bago pa man iyon magsara ay nahawakan niya ang dahon ng pinto. Inis na nilingon siya nito. “What are you doing here?” “Sorry na. Ayoko lang biglain ka. Kilala mo ako kung paano ako sa kama. Na-miss kita pero gusto ko kapag handa ka na. Ang tagal mong hindi nagparamdam kasi sa akin. Gusto kong makausap ka rin.” “Kaya ka nga nandito dahil na-miss kita.” Walang nagawa si Tristan kung hindi ang