UMUWI na si Tristan pero nanatiling nakatingin pa rin si Sarah sa nilabasan nito. Pagkahatid na pagkahatid sa kanya ng dating asawa ay nagpaalam agad ito sa kanya dahil may aasikasuhin raw. Sa tingin niya, hindi dahil sa may gagawin ito. Alam niyang dahil iyon sa sinabi nito. May gumugulo sa isipan nito na ayaw nitong sabihin sa kanya tungkol sa kasal nila. Kanina pa kasi ito tahimik noong nasa biyahe sila. Bigla nga ring nagpaalam ito kaya kataka-taka. Marami rin naman siyang tanong kaya dapat na sinabi nito sa kanya ang gumugulo sa isipan nito. Baka sakaling parehas nilang maresolba. Hindi naman isinasantabi ni Sarah ang nangyari sa kanya. Gusto niyang makuha ang hustisya pero kailangan niya ring maibalik ang kumpanya sa kanya. Pinaghirapan iyon ng Mommy at Daddy niya kaya hindi siya