MASARAP kausap ang ama ni Tristan. Iba rin ang sense of humor nito. Hindi nga napansin ni Sarah na nakabalik na sila Tristan at ang ina nito. Pero kung gaano ka-vocal ang ama ni Tristan, kabaliktaran naman ng ina nito. Pakiramdam niya tuloy, ilag ito sa kanya. Hindi ito nakikipag-usap na deretso sa kanya, laging kay Tristan ito nagtatanong kahit na para sa kanya naman talaga. Hinatid nila ang mag-asawa sa labas. Pauwi na ang mga ito dahil bukas pala ang biyahe ng mga ito papuntang Paris para sa bakasyon. Regular na pala iyong ginagawa ng mag-asawa since wala naman na raw iniisip ang mga ito. Nasa magandang kalagayan na ang anak nito na si Tristan kaya walang ginawa ang mga ito kung hindi ang mangibang bansa. “Ngayon mo ba haharapin si Rolly, Pea?” tanong ni Tristan nang sila na lang dal