CHAPTER 37 Hindi mapakali si Hillary sa loob ng kwarto. Halos isang oras na siya na pabalik-balik at walang sawang sinisipat ang sarili sa salamin. Jusko! Kinikilig siya nang sobra dahil sa kakaisip sa sinabi ni Vandrix na babalikan siya. Sinisipat niya ang dede niya kung pantay ba. Baka kasi mamaya ay nakalaylay ang kabila ay nakakahiya kay Vandrix. Nae-excite siya, at the same time ay natatakot. Nang wala na siyang maisip na gawin pa ay nahiga siya sa kama, matapos na parang maubos na ang pabango niya sa walang sawang pag-spray niya sa katawan at sa may leeg. She hugged her pillow and giggled. Ayaw niyang isipin na malaking pagkakamali ang gagawin niya. At least man lang ay maalala siya ni Vandrix kahit na sa simpleng pagsuko lang naman niya ng kanyang sarili na iningatan ng twenty-