CAMILLA Nakasimangot at hindi maipinta ang mukha ni Jared nang makalapit ako sa kanya kasama si Alexander na naghatid sa akin sa kinatatayuan niya. Matalim ang mga mata na tinapunan nito ng tingin ang seryoso lang na kaibigan na walang imik na umalis sa tabi ko nang mabilis na hinawakan ng asawa ko ang kamay ko at sinabihan ang kaibigan na h'wag daw magpabida dito. Gosh, muntik ng mangatog ang mga tuhod ko dahil sa nararamdaman kong matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa. "What did Alexander say to you, sweetheart?" agad na tanong ni Jared na lumapit pa ang mukha sa akin at bumulong ito pero ngumiti lang ako. Wala akong balak sabihin sa kanya ang sinabi ni Alexander dahil siguradong malaking gulo lang ang resulta nito at baka masira pa ang kasal namin oras na hindi makapagtimpi na