CAMILLA Hating-gabi na nang mag-paalam ang karamihan sa mga bisitang dumalo at nakisaya sa kasal namin. Mostly ay taga rito lang din naman daw sila sa isla at mga tauhan ni Jared. "Umuwi na kayo." Taboy ni Jared sa kaharap na mga kaibigan. Mga nakainom na ang tatlo at bagsak na nga si Alexander na ginawang tubig ang alak na kung uminom ay parang wala ng bukas. Biniro tuloy ni Declan na kasal namin ang pinuntahan at hindi lamay para magluksa na agad namang pinagtawanan ni Dexon pero parehong malamig pa sa yelo ang ekspresyon ng mga mukha ni Jared at Alexander na tinapunan pa ng asawa ko ng nagbabanta na tingin kaya napa-iling na lang ako na pinanood ang mga nangyari habang nakikinig sa usapan ng mga kaharap ko. "Oo na, uuwi na kami ni Dexon," parang walang pakialam sa mundo na sabi ni