CAMILLA "For God's sake, Laxamana! It's the computer age now, and there is no such thing. Don't tell me you still believe in such old folk sayings," sabi ni Alexander na ibinato sa lupa ang buto ng mangga matapos marinig ang assumption ni Mang Peliz. "Tarantado! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi sana kita sinama dito!" inis na sabi ni Jared na inaya na akong pumunta sa kung saan. Nakasunod naman ako sa kanya habang si Alexander ay pinagtatawanan ang kaibigan. "Well, it's good kung magiging kamukha ko ang super twin's ninyo. Imagine, walang kahirap-hirap na pogi ang mga inaanak ko," naka-ngisi pa at tila nang-aasar na sabi ni Alexander habang malaki rin ang hakbang kasama namin. "Shut up, Alexander!" singhal ni Jared kaya tumahimik ang kasama namin. "As if naman na k