CAMILLA Kahit mataas ang sikat ng araw ay nagbabad pa talaga ang dalawa sa dagat habang ako naman ay sumilong na sa ilalim ng mga puno dahil pakiramdam ko ay mahapdi na ang balat ko. Hindi ako p'wedeng makipag-sabayan sa kanilang dalawa dahil pareho naman silang magaling lumangoy. Kaya kahit mapunta sa malalim na bahagi nang dagat ay ayos lang samantalang hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko habang nakatanaw sa kanila na ilang minuto ng hindi umaahon sa takot na baka hindi na nga sila makaahon pareho. "Ma'am, nagdala na po ako ng makakain at merienda ninyo," sabi ng may edad na babaeng isa sa kasama namin sa beach house. "Salamat po, manang. Nag-abala pa po kayo," nakangiti at magalang na sagot ko. "Naku, ayos lang. Ihahatid ko talaga ito dito kanina pa. Mukhang nawiwili ang dal