CAMILLA Masakit dahil totoo ang sinabi ni Jared tungkol kay mommy. Bilang anak, ito na yata pinaka-worst sa lahat ng masasakit na pinagdaanan ko sa buong buhay ko. Hindi ko kayang balewalain ang kirot na nararamdaman ko sa puso ko sa mga oras na ito hindi lamang sa pagkamatay ni daddy but also the truth na kailangan ko rin mag-ingat sa mismong sarili kong ina. Bigla tuloy na sapo ko ang may umbok na tiyan ko. Kahit hindi ako makapagsalita at lihim na nangangako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat huwag lang pagdaanan ng mga anak ko ang katulad ng mga naranasan ko sa mga magulang ko. Gusto ko silang bigyan ng maayos at masayang pamilya. Malayo sa kung anong buhay meron ako kasama ng mga magulang ko. Mamahalin ko sila at ipaparamdam ang pagmamahal na ipinagkait sa akin at kahit minsan