CAMILLA Kumalabog ng malakas ang dibdib ko dahil naramdaman kong nagbago bigla ang tono ng pagtatanong ni Jared. Kinabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko. Ngayon na ang alam kong tamang pagkakataon para kausapin siya at malaman ang totoo pero 'yon ay kung magiging tapat nga siya sa akin at hindi pipiliin ang lokohin ako. "After I bumped into Tita Lara, I went to your father's office. Alam kong siya na ang pumalit sa dating posisyon ni daddy kaya pinuntahan ko siya sa dating kumpanya namin. At first, he didn't want to see me but I insisted. Sinabi niya sa akin na kayo na ang legal na may ari ng kumpanya namin at pati ng bahay na pag-aari ng mga magulang ko pero nakapangalan sa akin after you purchased it though the bank," paliwanag ko. Saglit na tumigil ako sa pagsasalita kasi tahi