CAMILLA Pagapang na bumaba ako ng kama at pinulot ang mga damit ni Jared na nagkalat sa sahig saka tiniklop at ipinatong sa side table malapit sa lamp shade kaya alam kong makikita agad niya kapag nagising at hinanap. Lumapit ako sa glass wall at inayos ko ang malaki at makapal na kurtina dahil mataas pa rin pala ang sikat ng araw. Dahan-dahan na lumabas ako ng silid at bumaba sa hagdan. May nadatnan akong isang babae sa kusina na abala sa ginagawa ng pumasok ako pero hindi man lang nito na pansin. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nito. Saglit lang ay lumingon ito at ngumiti sa akin saka binati ako. "Good afternoon po ma'am. May kailangan po ba kayo?" magalang na tanong nito. Bata pa pala ito at medyo pamilyar sa akin ang mukha kaya lang hindi ko maalala kung saan ko nakita. Marah