CAMILLA In three days, walang kahit anong positive results sa investigation ng council sa paghahanap nila kay Jared. Kahit si Mr. Laxamana ay hindi siya nagbigay ng statement tungkol sa hinala niya sa kinalaman ni mommy. Si Reze, tanging ang resulta ng mga kaguluhan sa Australia ang binigay na report bagay na gusto kong magtanong sa ama ni Jared kung bakit niya pinagtatakpan ang aking ina gayong si Jared ang pinag-uusapan dito. "Tama na muna ito, Ma'am Camilla. Kailangan mo na munang magpahinga," sabi ni Lieutenant Dinsay habang personal na tinuruan ako kung paano humawak ng patalim. Araw-araw akong nagsasanay, mula sa paghawak ng baril, patalim at basic martial arts na pwede sa gaya kong buntis sa second trimester. Gusto kong kapag tumapak ako sa teritoryo ni mommy ay handa ako. Suppos