CAMILLA Magdamag na pabaling-baling ako sa ibabaw ng kama at hirap makatulog. Nakatulog man ako pero saglit lang dahil oras lang ang pagitan ay nagising ulit ako matapos makarinig ng ingay ng malakas na hampas ng hangin sa nakabukas na bintana na nakalimutan ko palang isara kagabi. Tinawagan ko rin kasi si Declan bago matulog at tinanong ang resulta tungkol sa imbestigasyon nila may Reze pero ayon sa kaibigan ni Jared ay nag-iimbestiga rin umano ito at ibinigay sa kan'ya ang results ng imbestigasyon nito at tugman iyon sa explanation ni Mr. Laxamana. Kinabukasan maaga akong bumangon at kumain ng almusal. Nakasunod sa akin si Agent Vivien ng pumasok kami sa shooting range at firing room dito sa underground at sinabi kong gusto kong matutong gumamit ng mas advance na baril. With the hel