CAMILLA Nakaalis na sina Alexander at Declan pero hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko ang mga bagay na napag-usapan namin kanina. Naiwan akong mag-isa dito sa kubo kasama si Agent Vivien habang si Lieutenant Dinsay naman at Samantha ay nasa underground at nag-training para matutong humawak ng baril si Sam. Hindi nakatiis na tumayo ako at malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng bahay. May tao akong gustong sadyain at hindi ako makapag-hintay pa ng matagal para lamang mag-isip ng paulit-ulit kung may pwede naman pala akong gawin. "Iwan mo muna ako, Agent Vivien," pakiusap ko dito ng makarating kami sa puno ng hagdan na agad naman nitong sinunod at naglakad palayo sa akin. Mabilis na tinungo ko ang elevator at pinindot ang third floor kung saan naroon ang silid na tinutuluya