CAMILLA "What?!" malakas ang tinig at kuyom ang kamao na tanong ko kay Agent Vivien. "Tell me, anong information ang nakuha mo?" seryosong tanong rin ni Declan. Nag-type sa cellphone niya si Agent VS at ipinakita sa amin. Malinaw na nabasa ko na may audio ang cctv dito sa receiving area kaya sinabi niyang sumunod kami sa kan'ya. Walang nagsalita kahit isa sa amin para magtanong sa kan'ya. Lahat ay sumunod sa agent na kasama namin na dinala kami sa garden at pumasok sa kubo na personal na pinagawa ng asawa ko para sa akin. "Sa lahat ng lugar dito sa bahay mo, itong kubo lamang ang nakita kong walang audio ang cctv na naka-install dito sa garden kaya pwede tayong mag-usap ng walang limitation. Sa ngayon, safe ang kahit anong conversation na pag-uusapan natin dito but I can't assure in f