CAMILLA Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko bago buksan ang pintuan at matigas ang aura na lumabas sa opisina ni Jared. Nasa labas naghihintay sa akin ang mga kasama ko kaya sinabihan ko si Agent VS na bantayan hanggang makapasok si Mr. Laxamana dahil wala akong tiwala sa kan'ya na naiwan mag-isa sa loob. Mabuti na lang at na shutdown ko kanina ang mga monitors habang naroon ako dahil ayaw kong makita niya ang imbestigation na ginagawa ko. Hindi na ako nag-aalala na may mabubuksan siyang files dahil alam kong bukod kay Jared ay ako lamang daw ang nakakaalam ng code na gamit niya nang sinabi niya sa akin ng araw na pumunta kami doon. "Arlene, samahan mo ako," seryosong sabi ko sa katabi ni Samantha na biglang tumayo ng makita ako. "How about me, ate?" tanong ni Samantha na tumayo rin s