Chapter 108

1622 Words

CAMILLA Abot-abot ang kaba at hindi mapakali na umakyat ako sa loob ng silid namin ni Jared para kunin ang cellphone ko. Ilang ulit na tinawagan ko siya pero naka-off na ang cellphone nito. Sinubukan kong maghanap kung may number ba na naka-save si Declan pero nanlumo ako ng makitang walang ibang numero na nasa phone book ng cellphone na gamit ko maliban sa asawa ko. Bumaba ako at isa-isang tinanong ang mga kasambahay pero iisa ang naging sagot ng lahat sa akin. Hindi rin daw nila alam ang private number na gamit ni Jared dahil sa tuwing may kailangan sila ay narito na ang lahat sa bahay at tanging ang right hand nito na si Reze at si Elaine ang lagi nilang tinatanong basta may kinalaman sa trabaho. Hiningi ko ang cellphone number ni Reze kay Hella na alam kong nagtataka na sa kinikilos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD