CAMILLA Siniguro ni Jared na may sapat akong pahinga sa loob ng dalawang araw na naka-bed rest ako hanggang sa sabihin ng doktor na maayos na ang kondisyon ko. Hindi niya ako pinalapit kay mommy kaya hindi ko na ulit siya dinalaw dahil nagwawala na naman ito ng magising siya at panay ang malakas na sigaw. Ang plano ko na supposed na arrangements ng burial ni daddy ay hindi natuloy dahil hindi maayos ang mental condition ng aking ina na tila ba ay lalong mas sumama ang kondisyon niya nang malaman niyang na patay ni Jared si daddy. Nakaupo ako ngayon dito sa garden habang tulala at malayo ang tanaw. Umalis si Jared kanina at pinuntahan si Mr. Laxamana sa hospital dahil balita namin ay nagising na ito pero biglang nagkaroon ng heart attack at hinahanap raw ang asawa ko. Hapon na pero hin