CAMILLA Hindi pumayag si Jared nang sabihin kong gusto kong puntahan ulit si mommy para tingnan ang kondisyon niya kaya sinunod ko ang pakiusap ng asawa ko na mamalagi na lang muna dito sa silid para sa ikabubuti namin ng mga anak ko. May pinindot siya at kinalikot sa cellphone niya habang naka-on ang malaking flat screen na nakadikit sa wall. Malinaw na napapanood ko ang cctv footage sa loob ng silid kung nasaan si mommy kasama si Yaya Beth na siyang nagbabantay sa kanya at nurse na tumitingin pala sa aking ina kaya kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko lalo na at nakikita ko na mukhang okay naman siya ngayon. "Kung alam ko lang na muntik na kayong mapahamak ng mga anak natin, hindi sana kita pinayagan na humarap sa mommy mo ng mag-isa. Please, don't do that again, sweetheart," malum