CAMILLA Heiress? Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na tagapagmana pala ako ng isang giant mafia's organization dito sa bansa. Wala akong kahit anong ideya tungkol dito at lalong wala akong interest na kunin ang posisyon na sinabi ni mommy lalo na at alam ko sa sarili ko na wala akong kakayahan na pamunuan ito. "I can't, mom," nakayukong sagot ko habang umi-iling. "Ayaw kong pumasok sa magulong mundo na iyan. Wala akong alam kahit ano tungkol sa mga organization na sinasabi mo. I can't be a heiress and head of that mafia's clan at the same time, as I don't know anything about it," seryoso na sagot at paliwanag ko. "Don't waste the opportunity to stand on your own two feet, Camilla. You are born a clan's heiress; you have a huge responsibility to our clan and people!" malakas na sago