CAMILLA "Ang landi mo ha! Alalahanin mo Jared, may sugat ka at hindi pa magaling 'yan," nag-iinit ang pisngi na sagot ko. "It's alright, sweetheart. Kapag gusto may paraan, Camilla. Mag-iingat naman tayo," sagot nito kaya umikot ang mga mata ko sabay buga ng hangin. "Loko ka, kapag bumuka at nagdugo ulit 'yan, sinasabi ko sa 'yo, masakit 'yan," sabi ko dahil nag-aalala kasi ako sa kondisyon niya at sa magiging resulta oras na hindi kami makapag-pigil na dalawa at baka kung ano pa ang nangyari sa sugat niya. Apat na araw pa lang kasi ang nakalipas simula ng na baril siya ni daddy. For sure hindi pa talaga mag-heal ang sugat niya lalo na at bagong tahi ulit ito at sigurado akong fresh pa sa loob. Noong isang araw lang ay nagdugo ulit ito matapos niyang awatin ang pagwawala ni mommy tapos