CAMILLA Dahan-dahan na humakbang ako palapit kay Jared habang hindi maalis ang mga mata sa mukha n'ya. Nagmulat siya ng mga mata matapos maramdaman ang presensya ko sa paligid niya. Tulad ng asawa ko, wala na rin akong pakialaman na hubo't hubad dito sa silid namin dahil parang nakasanayan ko na at kumportable na rin naman akong ganito kahit kasama ko pa siya. Ngumiti siya sa akin ng makita ako. Daig ko pa ang nakita ng crush ko na bigla nalang kumalabog ang puso ko sa simpleng gesture niya. Hindi ko maikakaila sa sarili ko na mahal na mahal ko na talaga ang asawa ko at kahit anong mangyari sa pagitan namin, lagi kong bibigyan ng pagkakataon na ipaglaban siya dahil alam ko kung gaano niya ako kamahal. "Sure ka na kaya mo?" malambing na tanong ko sa asawa ko nang umupo ako katabi niya a