CAMILLA Mahigpit na hawak ng kanang kamay ko ang cellphone na nasa kandungan ko habang tulala na nakaupo dito sa loob ng kubo nang abutan ng dumating na asawa ko. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kan'ya habang panay ang hagod niya sa buhok pababa sa likod ko. Kahit pigilan ko ay kusang kumawala pa rin ang mga butil ng luha sa mga mata ko. Matinding emosyon ang nararamdaman ko at para bang sasabog ang naipong nakatagong sakit sa dibdib na matagal kong kinikimkim mula noon pa. "I'm sorry, sweetheart," mahinang bulong ni Jared habang impit na napaiyak ako. Emotional talaga ako ngayon. Parang nag-echo pa rin sa pandinig ko ang sinabi ni Jared na negative ang resulta sa dna test na ginawa namin ngayon lang. "Sigurado na ba 'yon, Jared? Hindi ba sila nagkamali lang?" pilit