Mahigit fifteen minutes na yata akong palakad-lakad sa loob ng kuwarto ko pero hindi pa rin natatapos ang suntukan sa kabilang kuwarto, rinig na rinig ko pa rin ang mga kalabog mula sa loob. Napatulog ko na rin ulit ang anak ko, buti na lang ay mahimbing pa rin ang tulog nilang dalawa ni Cedric kahit medyo maingay na sa kabilang kuwarto. Makalipas ang ilang sandali ay katahimikan na ang namayani. Wala na akong narinig na mga kalabog. Hanggang sa napabaling na ang tingin ko sa pinto nang bigla itong bumukas. My husband Terrence finally entered my room. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kanyang mukha na puro pasa na, may konting dugo pa sa kanyang suot na white t-shirt. “Oh my god— Terrence!” Mabilis akong lumapit sa kanya. “Oh no... Your face! Puro na pasa! Are you okay? Masaki