TAHIMIK lang akong nakaupo sa loob ng sasakyan habang iniisip ang nangyari kanina. Akala ko ay isang masamang tao ang pumasok sa kotse, pero hindi ko inaasahan na si Clark pala, huli na nang malaman ko dahil mabilis na siyang lumabas matapos magnakaw ng halik. I missed him so much. Iwan ko lang kung na-miss niya rin ako, feeling ko kasi hindi. "Boss, are you okay?" tanong ni Andro. Tinanguan ko lang ito. Pauwe na kami ngayon dahil nakabili na rin si Andro ng diaper na hindi ko alam kung saang tindahan niya ba nabili, sa pagkakaalam ko ay wala nang bukas na tindahan nang ganitong oras. Pagdating namin sa bahay ay agad na nilagyan ni Terrence ng diaper si baby Cedric. "Hays, saan na ako matutulog nito ngayong gabi? Basang-basa na ang kama ko," nakasimangot kong sambit habang nakaupo sa g