KINABUKASAN pagkagising ko ay gising na rin si baby Cedric, pero ang tatlo kong bodyguards ay nakabulagta pa nang higa at naghihilik pa, na tila ba malalim pa ang tulog. Napabuntong hininga na lang ako at kumuha ng white towel bago marahan na pinunasan ang laway ni baby Cedric. "Hi baby, good morning." Ngumiti ako at nilalaro ang kamay nito, pero agad din akong napasimangot nang may maamoy na kakaiba. Akala ko ay galing sa diaper ni Cedric ang kakaibang amoy, pero tanging ihi lang ang laman ng kanyang diaper nang tingnan ko ito at wala namang dumi. Pero ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko nang mapagtano kung saan nga galing. Napabaling ang tingin ko sa tatlong lalaking nakahiga nang ma-realise ko kung saan ba talaga nanggaling ang mabahong amoy. "Eww! Ang baho ng utot ninyo! Kadi