Three Years Later “CHEERS!” Masaya nilang ipinagbangga ang kanilang mga baso na may lamang alak bago tinungga papunta sa kanilang mga bibig. Sandali naman napapikit si Terrence matapos inumin ang alak sa kanyang baso. Sandali pa siyang napapisil sa bridge ng kanyang ilong at mahinang ipinilig ang ulo. Para kasing nakaramdam na siya ng pagkahilo. Mukhang unti-unti na siyang tinatamaan ng alak. Nasa isang sikat na bar siya ngayon sa makati para sa kanilang highschool reunion. Ayaw niya sanang pumunta pero aksidente niyang nakita kanina sa isang store ang dalawa sa mga classmate niya nung highschool, kaya naman napilitan siyang sumama. Hindi niya naman alam na sa isang bar pala gaganapin. At heto siya ngayon, nakikipag-inuman sa mga dating kaklase. “Balita ko, dude, kakabalik mo lang dito