Rachelle's Point of View TATLONG TAON na ang lumipas, at sa lumipas na tatlong taon na iyon ay masasabi kong ang dami nang pinagbago. Kung dati ay may pagkaisip bata ako at puro kalukuhan lang ang alam gawin sa buhay, ngayon ay iba na, masasabi kong nag-matured na ang utak ko kahit papaano. Ngayon ay may anak na akong dapat alagaan. Hindi lang sa pagiging ina ang kailangan kong gampanan kundi sa pagiging mabuting ate sa bunso kong kapatid na si Cedric. Pero buti na lang kahit may mga responsibilidad na akong kailangan gampanan ay nariyan naman nakakaalalay sa akin ang aking asawa. Yes, I married Terrence last year. Nung mga panahong kailangan ko ng masasandalan ay nanatili si Terrence sa tabi ko. Hindi niya ako pinibayaan, hindi siya nagsawang intindihin ako, alagaan ako. Hindi niya ak