Nang matapos mag-lunch ay agad akong lumabas ng kusina. Nadaanan ko pa si Melai sa sala habang buhat buhat si baby Cedric pero hindi ko na ito pinansin pa at diretso na akong umakyat sa aking kuwarto. Pagka-lock ko ng pinto ay agad akong sumampa sa kama at isinubsob ang mukha sa puting unan. Naiiyak pa rin ako. Naiinis ako kay Clark, sa pagtrato niya sa akin ngayon. Hindi ko akalain na magiging ganito siya. Kagabi ay pinapahubad niya ako sa harap niya, tapos ngayon naman ay sinigawan at muntik pang patamaan ng tinidor. Napatigil lang ako sa pag-iyak nang marinig ang mahinang pagkatok sa pinto. “Ma'am.” Boses iyon ni Melai. Mabilis naman akong napaayos ng upo sa kama at agad na pinunasan ang luha na dumaloy sa aking mukha. “Ano 'yun, Melai?” Pinatatag ko ang boses ko para hindi halata