“H-Huwag kayong lalapit! S-Sisigaw ako!” “Eh di sumigaw ka, baka sakaling tulungan ka ng engkanto, tanga!” “Tirahin na natin, pare. Ako na ang mauna!” “H-Huwag kayo sabing lalapit!” “H-Huwag, m-maawa kayo!” “HUWAG! HUWAG KAYONG LALAPIT, MAAWA KAYO! HUWAAAGG!!!” Habol hininga akong napabalikwas ng bangon. Napatulala ako nang ilang saglit at napabuga sa hangin. Panaginip lang pala. Isang masamang bangungot. Pero bakit gano'n? Parang totoong nangyari. Mahina kong ipinilig ang aking ulo. No way! It just a dream. Nitong nagdaang mga araw ay pansin ko na ang we-weird ng mga panaginip ko. Sa aking panaginip ay may dalawang lalake raw na pilit akong pinipilit sa ayaw ko, they are trying to r**e me. Nung una ay nagpumiglas raw ako at nagsisigaw, pero sa huli, sa hindi malamang dahilan ay b