"HOY! RACHELLE TRISH HANSON!" Napapitlag ako sa gulat dahil sa malakas na pagtampal ni Lexa sa ibabaw ng mesa. "H-huh?" "Hays naman! Nakikinig ka ba sa 'kin o hindi? Kanina pa ako salita nang salita pero parang tulala ka naman diyan! Ano ba kasing iniisip mo?" "Oh I'm sorry, Lex. Ano nga pala ang sinasabi mo?" Lexa rolled her eyes. "Tsk. Ang sabi ko, si Gwen parang may something sa kanyang mga ikinikilos. Pansin mo rin ba? Feeling ko kasi ay buntis ang babaeng 'yun eh! Malakas talaga ang kutob ko." Hindi ko mapigilan ang mahinang matawa at pinalo ang kaliwang braso ni Lexa. "Ano ka ba naman! Masyado ka namang mapaghinala! Paano mabubuntis 'yun eh wala namang boyfriend? Baka kamo ikaw ang buntis!" Narito kami ngayon sa isang Cafe para makita ang isa't-isa, pero umuwe agad si Gwen dahi