KUNG gaano kalakas ang buhos ng ulan ay ganoon din ang lakas ng paghagulgol ko habang nakatingin sa puting kabaong na ngayon ay unti-unti nang lumulubog sa ilalim ng basang lupa. "No! Daaaad! Please don't leave me!" umiiyak kong sigaw at pilit na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng dalawa kong kaibigan. "Trish, tama na!" saway ni Gwen na naiiyak na rin. "Bitiwan niyo akong dalawa! H-Hindi ako pwedeng iwan ni Dad! He's not dead! Mabubuhay pa siya! Hindi siya pwedeng ilibing! Ipapagamot ko siya kahit saang hospital!" paghagulgol ko na sinabayan ng marahas na pag-iling habang nakatingin sa kabaong ni Dad na ngayon ay tuluyan nang nakapasok sa ilalim ng at unti-unti nang tinabunan ng lupa. "Trish, you need to accept the fact that your father is now gone! Hindi na siya mabubuhay pa kahi