"HOY! Anong sinisilip-silip mo?" Napapitlag pa ako da gulat dahil sa pagbulong ng boses ni Andro sa aking tainga. "Ano ba! Ba't ka ba nanggugulat? Wala ka bang magawa sa buhay mo!" inis kong bulyaw. Saglit namang napamaang si Andro at napasimangot sa akin. "Tsk. Bakit ba ang init agad ng ulo mo? Sorry na kung nagulat ka, okay?" Itinaas nito ang hawak na paper bag. "Heto, nakabili na ako ng gusto mong pagkain!" Inis akong tumalikod kay Andro at padabog na lumabas ng restaurant nang nakasimangot. "Hoy brat! Hintayin mo naman ako!" sigaw pa ni Andro, pero hindi na ako lumingon pa at diretso lang ang lakad. Padabog akong pumasok sa backseat ng kotse at naupo. "Oh, anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo, sweetheart?" tanong ni Zach sa akin. "May problema ba, boss?" tanong naman ni T