Rachelle's Point of View IT'S BEEN TWO WEEKS, pero wala man lang akong natanggap na text or call mula kay Clark. Kapag tinatawagan ko naman siya ay nakapatay naman ang phone niya at hindi makontak. Minsan napapaisip ako, nami-miss niya rin kaya ako? Minsan kaya naisip niya ako mula nang umalis siya sa pagiging bodyguard ko? O baka naman nakalimutan niya na ako at hindi naman talaga siya seryoso sa relasyon naming dalawa, kaya hindi niya man lang magawang magparamdam sa akin kahit isang text man lang. "Sweetheart, are you okay?" tanong ni Zach na nakatayo sa tabi ko. "I'm okay," mahina kong sagot habang nakaupo at nakatingin sa asawa ni Dad na nakahiga sa hospital bed katabi ng natutulog na sanggol. Kakapanganak lang nito kagabi, kaya narito kami ngayon ng mga bodyguards ko para dumala