Nagising ako nang makaramdam ng munting kiliti sa mukha ko. Pagmulat ko ay agad na bumungad sa akin ang nakangiting si Terrence na nakatunghay sa akin, at kaya pala makiliti dahil sa kagagawan ng labi niya. He kissed me. Damn! “What do you think you're doing!” Bigla akong napabalikwas ng bangon. Akmang sisigawan ko na si Terrence pero agad akong napahinto nang marinig ang mahinang pagbungisngis ng dalawang bata sa tabi ko. “Good morning, Mommy!” Cedric greeted me first. “Mammy!” Agad namang yumakap sa akin si Irish at humalik sa pisngi ko. Kaya naman ang tangka kong pagsusungit ay hindi ko na naituloy pa, bagkus ay pinilit ko na lang ngumiti at binigyan ng halik sa pisngi ang anak ko at bunso kong kapatid. “Good morning! Bagong ligo ang mga baby ko, ah?” “Pinaliguan na po kami ni Da