HINDI ko mapigilan ang mapahalakhak nang makita ang nakabusangot na mukha ni Clark pagkalabas ng kuwarto ni grandma. “Ouch! Hon! Dahan dahan lang naman!” “Tsk. Kung makasabi ka naman diyan ng dahan-dahan para kang hindi isang tunay na lalaki,” pagsimangot ko. Narito na kami ngayon sa sala at nakaupo sa couch. Kasakuluyan ko nang ginagamot ang kanyang putok na labi. Yes, grandma punched him. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa siyang suntukin ni grandma, at talagang pumutok pa ang gilid ng labi niya. “Lintik talaga si grandma. Hindi ko alam na ang lakas pala sumuntok ng matandang 'yun!” Napangisi naman ako habang patuloy ang paglagay ng ointment sa gilid ng kanyang labi. “Buti nga sa'yo! Nakakainis ka kasi, eh!” Clark frowned. “Oo na. I deserve this. Bakit, hindi pa rin ba ako napa