AFTER two weeks of preparation, sa wakas ay dumating na rin ang araw na ito, ang araw ng kasal namin ni Clark. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, as in kinakabahan. Hindi ko maintindihan kung bakit, siguro ay ganito lang talaga kapag ikakasal na. Nakakakaba, pero at the same time ay nakaka-excite. Ngayon ay nakaupo ako rito sa loob ng dressing room habang inaayusan ng bading na siyang makeup artist na kinuha ni grandma. “You look so pretty, ma'am. How old are you?” tanong nito habang patuloy ang paglagay ng foundation sa mukha ko. “Nineteen pa lang sa ngayon, pero next week ay twenty na,” nakangiti kong sagot. “Wow, ang bata niyo pa pala, ma'am. Pero in fairness ang suwerte niyo po kay sir Clark, dahil bukod sa napaka-hot at yaman na... ay napakaguwapo at yummy pa! For sure mabubusog k