UNTIL NOW, hindi pa rin ako makapaniwala. Talagang hindi. Pinagdarasal ko na sana isang masamang bangungot lang ang lahat. Pero hindi eh, dahil kahit ano'ng panlilinlang ang gawin ko sa sarili ko ay katotohanan pa rin ang sumasampal sa akin. Isang masakit na katotohanan. Katotohanan na isa akong malas na tao, dahil lahat ng mahal ko sa buhay ay unti-unting nawawala sa akin, lumalayo, naglalaho. Nung una si Mommy, pangalawa si Daddy, at ngayon naman ay si Clark. Pinanganak yata akong malas. Pinanganak ako para magdusa dito sa mundo. Ang sakit tanggapin. Pakiramdam ko ay parang unti-unti akong pinapatay. Ang inaasahan kong masayang kasal ay napalitan ng malungkot na pagluluksa. Nang ibalita sa amin ng mga pulis ang nangyari kay Clark nung araw na iyon ay hinimatay ako. Nahirapan akong