TWO WEEKS had passed, pero napakasakit pa rin. Sumisikip pa rin ang dibdib ko sa kanyang pagkawala. Pero magpaganoon pa man ay kailangan ko pa rin magpatuloy sa buhay lalo na't may umaasang bata sa loob ng sinapupunan ko. Nakakalungkot lang dahil hindi na niya makikita pa ang anak namin kapag lumabas na. Masakit oo, pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lang ang katotohanan. Sa lumilipas na dalawang linggo ay nakadalawang bisita naman sa akin dito sa hacienda sina Andro at Zach. Pero iba si Terrence, araw-araw itong bumibisita, pupunta ng mga bandang 7 AM, at uuwe naman ng 6 PM. At tuwing pupunta ay hindi nito nakakaligtaang magdala ng mga pagkain na gusto ko, tinatawagan muna ako at tinatanong kung ano ba ang gusto kong pagkain. Akala ko nga ay babalik na siya sa dati nilang traba