NANATILI akong gising hanggang sa sumapit ang 3 AM pero wala namang Clark na dumating, ni text o tawag mula sa kanya ay wala akong natanggap. Basta pagkatapos kong marinig ang pagtawag niya ng Babe sa babaeng 'yun ay naputol na ang linya, at nang tawagan ko naman ulit ang kanyang numero ay hindi na ito makontak pa. Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang paghihintay sa wala. Nang magising ako ay umaga na at wala na si baby Cedric sa loob ng kanyang crib. Mukhang kinuha na yata ni grandma at inasikaso, ganoon kasi ang ginagawa nu'n kapag tulog pa ako at gising na si baby Cedric, inuutusan na lang niya ang mga katulong na paliguan at palitan ito ng diaper. Talagang napakabait ni grandma, walang akong masabi sa kanya. I love her. Kung ituring niya ako ay parang tunay na niyang apo. Bigla ko t