PAGKATAPOS naming kumain ay umalis na si Terrence para kunin ang nga gamit namin sa hacienda. Naiwan naman kami ni Baby Cedric sa loob ng kanyang apartment. Matapos kong palitan si baby Cedric ng diaper at painumin ng gatas ay nakatulog na ulit ito. Lumabas naman sa kuwarto at pumasok sa kusina para sana hugasan ang pinagkainan namin. Pero pagdating ko sa kusina ay malinis na lahat, nahugasan na pala ang mga plato. Mukhang hinugasan na yata ni Terrence bago umalis. In fairness, napakasipag niya talaga. At dahil wala naman akong magawa ay nag-vacuum na lang ako sa loob ng bahay kahit malinis naman. Nang matapos pagva-vacuum ay pumasok naman sa loob ng bathroom at naligot. At dahil wala pa ang mga gamit ko ay kumuha na lang ako ng bihisan sa loob ng closet ni Terrence. Isang black t-shi