Nanatili akong walang kibo habang nakaupo sa frontseat ng kotse. Katabi ko si Zach na siyang nagmamaneho, at nakaupo naman sa backseat si Andro habang kalong si baby Cedric. Pauwe na kami ngayon sa bahay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi ni Flora kanina sa loob ng police station. Hindi ko alam kung may katotohanan ba ang mga sinabi ng babaeng 'yun pero hindi ko mapigilan ang mapaisip kung sino si Dogras na kanyang nabanggit, at kung bakit nasa mga kamay nito si Fenna. 2:03 PM na nang makarating kami ng hacienda, at tulad kanina nung umalis ako ay tanging mga katulong lang ang mga tao sa loob ng mansyon. Hindi pa rin nakakauwe si grandma at si Clark. Pagkapasok sa kuwarto ko ay agad na pinahiga ni Andro si baby Cedric sa kama ko. “So, where's Clark?