NANG sumapit ang gabi ay sabay-sabay kaming nag-dinner. And thanks god, humupa na rin ang pagsakit ng tiyan ni Terrence. Nakaupo ngayon si Cedric sa tabi ko, habang si Irish naman ay nasa lap ni Terrence at sinusubuan. “Big girl ka na pero nagpapasubo ka pa rin sa Daddy mo.” “I want my daddy to feed me because he's better than my hand,” balewalang sagot sa akin ng anak ko habang patuloy ang kain. Sabay naman kaming napatawa ni Terrence. “Hay naku, hindi na makakain ng mabuti ang daddy mo sa kakasubo sa'yo. Tingnan mo si kuya Cedric mo, kumakain nang mag-isa.” Sinimangutan lang ako ng anak ko. “It's okay. Ang mahalaga mabusog ang prinsesa ko,” Terrence replied. “Tsk. Ini-spoil mo naman, eh. Hindi 'yan matututo pag ganyan.” But Terrence just shrugged. Talagang ini-spoil niya ang ana